Celebrity Life

Carla Abellana, nagbigay paalala para sa Metro-wide Shake Drill



Ngayong Huwebes, July 30, 10:30AM, magaganap ang Metro-wide Shake Drill.

 
Metro Manila Shakedrill

[Admin 06] Sa July 30, 2015, 10:30 AM na ang Metro Manila Shakedrill. Ang lahat po ay hinihikayat na lumahok sa kauna-unahang metrowide earthquake drill na maghahanda sa atin laban sa banta ng 7.2 magnitude na lindol. #mmshakedrill

Posted by MMDA on Wednesday, July 22, 2015


Ayon sa Kapuso Actress na si Carla Abellana, hindi natin dapat kaligtaan at ipagsawalang-bahala ang pag-participate sa shake drill dahil "ang paghahanda natin ang tanging magliligtas sa ating buhay."