Celebrity Life

Martin del Rosario, umaming may crush kay Kylie Padilla

By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Sa ginanap na press conference ng Buena Familia kamaikailan, hindi nakaiwas si Martin del Rosario sa isyung mayroon daw siyang gusto sa ka-love team niya sa Afternoon Prime soap na si Kylie Padilla. Dahil dito, on the spot niyang inamin ang kanyang paghanga habang kaharap niya ang Kapuso actress.

"Ilang beses ko nang sinasabi sa kanya na ang ganda niya," pahayag ni Martin.

Ayon naman kay Kylie, never niyang itinanong si Martin tungkol dito. "Actually nabasa ko nga 'yon. Sabi ko wait, 'pag nag-uusap kami hindi naman namin napag-uusapan," saad niya.

Ngayon lang nagkasama sa isang project sina Kylie at Martin. "Magkasama lang kami for almost two months pa lang. Siguro ang first impression ko sa kanya ay maganda and 'yung ugali niya is totoong tao talaga 'yan, hindi nagsisinungaling. I admire her for that," ani Martin.

In love na ba si Martin kay Kylie? "Kapag sasabihin mong love agad, siyempre it takes time [para] makilala mo muna 'yung tao," sagot niya.

Parehong single ngayon ang dalawa at kagagaling lang sa breakup ni Kylie. Kung tatanungin ang aktres, may pag-asa ba sa kanya si Martin?

READ: Kylie Padilla at Matt Henares, hiwalay na

"Ayoko munang isipin 'yon, ayokong pangunahan. Gusto ko munang maging maganda 'yung mga eksena sa Buena Familia," bahagi ni Kylie.

READ: Kylie Padilla, trabaho muna bago ang love life

Iniiwasan daw ni Kylie na magkahiyaan sila ni Martin sa set ng Afternoon Prime soap. "Basta ayoko lang maging awkward sa set. Gusto ko 'pag nasa set na makakapag-eksena kami nang maayos. So hindi ko muna iniisip 'yung mga ganung bagay," pagtatapos niya.