advertisement
Celebrity Life

GMA's boy band One Up, where are they now?

1 of 21

One Up

Pinakilala ng GMA Artist Center, ngayon ay Sparkle GMA Artist Center, ang boy band/group na One Up noong 2016.

2 of 21

Jay Arcilla

Naunang nakita ng publiko si Jay Arcilla nang sumali siya sa 'Eat Bulaga' segment na "That's My Bae: 'Twerk It' Dance Contest." Pagkatapos nito, sumali siya sa 'StarStruck Season 6.'

3 of 21

PAF Reservist

Sa ngayon, aktibo pa rin si Jay sa showbiz habang isa rin siyang reservist ng Philippine Air Force.

advertisement
4 of 21

Dave Bornea

Sumikat si Dave Bornea nang mag-trending ang kanyang "Twerk It Like Miley" video sa social media habang nag-aaral sa University of Cebu. Pagkatapos nito, sumali siya sa 'StarStruck Season 6,' kung saan isa siya sa naging Top 18 survivors.

5 of 21

Mga Lihim ni Urduja

Aktibo pa rin si Dave sa showbiz at huli siyang napanood sa GMA Telebabad series na 'Mga Lihim ni Urduja.'

6 of 21

Nikki Co

Nakilala si Nikki Co nang sumali siya sa StarStruck Season 6 at simula noon ay tuloy-tuloy na ang karera niya sa showbiz.

advertisement
7 of 21

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis

Kasalukuyang napapanood si Nikki sa weekend show ng GMA na 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'

8 of 21

Yasser Marta

Sa 'Eat Bulaga' unang nakilala si Yasser Marta nang sumali siya sa "Spogify feat. Singing Baes."

9 of 21

Model

Bukod sa galing sa pagkanta at pag-arte, pinagpatuloy na rin ni Yasser ang pagmomodelo sa isang sikat na clothing line sa Pilipinas.

advertisement
10 of 21

Prince Clemente

Alumnus rin ng 'StarStruck Season 6' si Prince Clemente kung saan naging bahagi siya ng Top 28 survivors.

11 of 21

 Abot-Kamay Na Pangarap

Kasalukuyang napapanood si Prince sa top-rating GMA Afternoon Prime series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

12 of 21

Joemarie Nielsen

Sa 'StarStruck Season 6' rin unang nakilala si Joemarie Nielson, isang half-Filipino, half-Thai na mang-aawit.

advertisement
13 of 21

Chef

Hindi na aktibo ngayon sa showbiz si Joemarie dahil naka-focus siya sa career niya bilang chef.

14 of 21

Arjan Jimenez

Produkto rin ng 'StarStruck Season 6' si Arjan Jimenez. Pagkatapos ng 'StarStruck' ay naging parte siya ng dating GMA Telebabad series na 'Alyas Robin Hood' at iba pang programa ng GMA.

15 of 21

Father

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Arjan ang larawan ng kanyang kambal na anak.

advertisement
16 of 21

Kevin Sagra

Galing din sa 'StarStruck Season 6' ang martial arts enthusiast na si Kevin Sagra. Bukod sa martial arts, maalam rin si Kevin pagdating sa beatbox, drums and piano.

17 of 21

Miniseries

Aktibo pa rin si Kevin sa pagiging aktor, at busy pa rin sa pagpapanatili ng kanyang katawan.

18 of 21

Ralf King

Bata pa lang ay sumasali na si Ralf King ng singing competitions sa TV. Sa katunayan, siya ang itinanghal na winner ng Popstar Kids season 2.

advertisement
19 of 21

 Kier King

Sa ngayon, Kier King na ang ginagamit na pangalan ni Ralf. Kasali rin siya sa D'Academy Asia sa Indonesia.

20 of 21

Brent Valdez

Sumali ng 'To The Top' ng GMA News and Public Affairs si Brent Valdez, at dito nagsimula ang kanyang karera sa showbiz.

21 of 21

Voltes V: Legacy

Ngayon, aktibo pa rin sa showbiz si Brent bilang parte ng 'Voltes V: Legacy.'

advertisement