Celebrity Life

Heart Evangelista, naninibago sa buhay niya ngayon

By MARAH RUIZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Magkahalong saya, kaba at paninibago ang nararamdaman ni Heart Evangelista ngayong tila back to normal na ang kanyang buhay.

Balik drama na kasi si Heart at bukod dito, nagkaayos na din sila ng kanyang mga magulang. Higit sa lahat, mukhang tanggap na din ng kanyang mga magulang ang kanyang asawang si Senator Chiz Escudero.

"I'm so happy. Everything is just perfect! Biglang naging perfect, kaya ngayon nagdadasal ako ng grabe kasi hindi ako sanay na okay ang lahat," kuwento ni Heart sa media noong press conference ng kanyang bagong dramang Beautiful Strangers.

WATCH: Telesilip: Heart Evangelista of Beautiful Strangers

"Parang kinakabahan ako. Not all the time your stars are all aligned. Nakakapanibago siya. You're praying na sana ma-maintain, sana nothing bad happens," dagdag pa nito.

Paano nga ba naging okay ang lahat sa kanila?

"Siguro noong kinasal ako, na-realize nila na okay na ko. I'm a very transparent person. Alam nila kung may problema ako. Kitang kita naman sa akin. Nakita nilang masaya ako, so tinganggap din nila," paliwanag nito.

Bukod pa dito, hindi din daw siya nagpakalayo, kahit sa kainitan ng kanilang 'di pagkakaintindihan.

"Lagi ko silang binibisita, lalo na ang Mommy ko. Kahit hindi ako kinakausap, nandoon ako. Consistent ako doon so nakita din niya and natanggap din niya," ayon kay Heart.

READ: Cast ng Beautiful Strangers humarap sa media

Ayaw na din daw nilang mag-dwell pa sa nakaraan at ine-enjoy na lang ang mabuting relasyong mayroon sila ngayon.

"Pareho din kami ng pag-iisip na you only live once. We're all getting old, sayang 'yung time," sambit nito.

Antabayanan ang pagbabalik ni Heart Evangelista sa primetime! Panoorin ang Beautiful Strangers, simula August 10 sa GMA Telebabad.