Celebrity Life

Lovi Poe, nagsalita tungkol sa paghaharap nila ni Marian Rivera

By MICHELLE CALIGAN

Naging usap-usapan ang isang Instagram post kung saan makikita ang paglapit nina Lovi Poe at Rocco Nacino sa Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa 15th anniversary party ng YES! Magazine noong July 27.

LOOK: What happened during YES! Magazine's 15th anniversary party 


Nitong Sabado, August 1, ay ikinuwento ng Beautiful Strangers star ang nangyari sa naturang event sa Startalk hosts na sina Joey de Leon at Lolit Solis.

"Masaya po ako na I went up to her, nilapitan ko siya at bineso ko. Kasi pakiramdam ko naman na 'yun naman po talaga ang tamang gawin at saka matagal na rin 'yun. Maiksi lang naman ang buhay kaya mas masaya na masaya na lang tayong lahat."

Unang nahingan ng pahayag si Marian tungkol sa paglapit sa kanya ni Lovi. Ayon sa Sunday PinaSaya host, iba na ang priority niya sa buhay kaya dapat ay mag-move on na silang lahat.

READ: Ang mga magpapasaya ng inyong Linggo sa Sunday PinaSaya 

"Sabi ko nga, tama na kasi ang tanda na namin, especially ako. Ang priority ko sa buhay ko ay maging mabuting asawa at maging mabuting ina. Siguro doon ako magpo-focus. Kung ano ang nangyari sa amin sa YES!, wala naman talagang problema. Okay na 'yun. Mas magandang positive na lang tayo at mag-move on na."

Ang best friend naman ni Lovi na si Heart Evangelista, aminadong na-touch sa naging mensahe ni Marian.

LOOK: At the press conference of Beautiful Strangers 

"Honestly nakita ko ang interview niya kanina lang and I just want to say na na-touch ako doon sa sinabi niya na move on na tayo. Really from my heart, na-touch ako. So thank you. Kasi masaya naman na kaming lahat. Para everyone happy, and also to the fans, be happy na. In fairness, thank you Marian doon sa comment mo."