Celebrity Life

Anong kanta ang nakakapagpaiyak kay Rocco Nacino?

By MARAH RUIZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Masalimuot ang kuwento ng nalalapit na primetime series na Beautiful Strangers, kaya naman talagang mabibigat na emosyon ang kinakailangan mula sa mga aktor nito.

Isa na dito si Rocco Nacino na gaganap bilang Noel, ang nobyo ni Joyce bago ito nawala. Ayon sa aktor, may isang kanta nakakapagpababaw ng luha niya at tiyak na makakatulong sa kanyang mga emosyonal scenes sa Beautiful Strangers

LOOK: Cast ng Beautiful Strangers humarap sa media

"I discovered this song. I showed this to Lovi eh. It was a video of a couple who broke up. Parehas silang artists, so they broke up in the most artistic way," panimula ni Rocco.

Ang tinutukoy niya ay ang mga performance artists na sina Marina Abramovich at Ulay na naghiwalay noong 1988 sa pamamagitan ng paglalakad mula sa magkabilang dulo ng ng Great Wall of China at pagpapaalam sa isa't isa nang pareho nilang marating ang gitna.

Nagkita muli ang dalawa matapos ang higit 20 taon sa performance ni Abramovich ng "The Artist is Present" sa MoMA (Museum of Modern Art) noong 2010. Gumawa naman ng kanta tungkol sa love story ng dalawa ang bandang How I Became the Bomb, at pinamagatan nila itong "Ulay, Oh."

WATCH: Rocco nacino in Beautiful Strangers 

"Ang ganda ng music nito ah. I looked for it and when I listen to it, nakakaiyak! It hits you," paliwanag ni Rocco.

"Magagamit 'yan sa character ni Joyce at ni Noel. Pwede 'yan. Sakto, right timing 'yung pagpanood ko nung video na 'yun," dagdag nito.

Abangan si Rocco bilang si Noel sa Beautiful Strangers, magsisimula na sa August 10, sa GMA Telebabad.