Celebrity Life

Andrea Torres at Mikael Daez, proud sa proyektong 'Blood In Dispute'

By CHERRY SUN

Kahapon ay lumipad na patungong Cambodia sina Andrea Torres at Mikael Daez para sa premiere ng kanilang pelikulang Blood In Dispute.

READ: Andrea Torres and Mikael Daez return to Cambodia for Blood In Dispute premiere 

Bago pa man makaalis ng bansa ay nakapanayam ng 24 Oras ang dalawang Kapuso stars. Dito ay ipinagmamalaki nila ang naging kinalabasan ng kanilang proyekto kasama ng Cambodia Television Network.

Ani Andrea, “Nakaka-proud kasi at least ‘yung lahat ng pinagpaguran namin doon, tapos syempre may pagka-culture shock pa kami kasi hindi pareho ‘yung pag taping nila doon, na-homesick pa kami, at least ang ganda nung naging bunga niya.”

“Go for gold talaga lahat. Binigay talaga nila lahat ng efforts na kaya nila, so with that said, bakit naman hindi mapapaganda ‘yung movie natin,” pagsang-ayon naman ni Mikael.

Video courtesy of GMA News