advertisement
Celebrity Life

David Licauco, nagnenegosyo para sa kanyang future family

1 of 7

Family

Mula sa pamilya ng mga negosyante ang Filipino-Chinese actor na si David Licauco.

2 of 7

Restaurant businesses

Sa ngayon, mayroon siyang dalawang brand: Sobra Cafe at Kuya Korea. Ang kanyang ina ay mula rin sa food and beverage industry.

3 of 7

Anniversary

Noong June 2023, nag-celebrate ng first anniversary ang restaurant niyang Sobra Cafe na matatagpuan sa Molito Lifestyle Center sa Alabang, Muntinlupa. Hearty comfort food ang bentahe ng restaurant.

advertisement
4 of 7

Korean restaurant

Magdadalawa naman ang branch ng isa pang business ni David na Kuya Korea. Ang unang branch nito ay matatagpuan sa U.P. Town Center sa Katipunan, Quezon City. Nakatakda namang magbukas ang aktor ng bagong branch nito sa SM Clark, Pampanga.

5 of 7

Franchising

Open for franchise din ang Kuya Korea na nag-o-offer ng Korean-style rice bowls, chicken sandwiches, fried chicken buckets, noodles, at iba pa.

6 of 7

Hands-on

Very hands-on si David sa kanyang mga negosyo kaya kahit abala sa kanyang showbiz career, sinisikap niyang bumisita sa kanyang mga restaurant twice a week.

advertisement
7 of 7

Parents

Thankful naman si David sa kanyang mga magulang dahil tinutulungan siya ng mga ito na i-handle ng kanyang finances. "Sa finances, to be honest, yun yung medyo mahina ako when it comes to accounting, finances so I have my own accountant and finance manager."