Celebrity Life

Mikael Daez on his love life: 'I am a faithful husband'

BY AEDRIANNE ACAR
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Balik-primetime ang Ismol Family star na si Mikael Daez. Huling napanood sa primetime ang binata noong 2014 sa GMA Telefantasya na Adarna.

Ngayon, napapanood si Mikael sa teleserye na My Faithful Husband kasama sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Si Mikael ay gumaganap bilang si Dean na ex-boyfriend ng karakter ni Jennylyn.

Read: Lucky charm ba ni Mikael Daez ang biglaang projects?

Sa panayam ng entertainment press sa press conference ng My Faithful Husband, inusisa ang estado ng kanyang love life.

Ani ni Mikael, "I am a faithful husband [laughs] I am a faithful man...My love life is okay. I’m happy, smooth sailing, faithful. [laughs]"

Pinilit mang paaminin ng showbiz media si Mikael, naging matipid ang binata patungkol sa kanyang special someone. Ang sinabi niyang source of inspiration ay ang projects na kanyang pinagtutuunan ng pansin.

"I think right now, inspiration for me is just the fact na I want to do well kasi ang gandang opportunity, siyempre alam n'yo naman, may Blood In Dispute ako na ginawa, tapos may teleserye agad.

"So para sa akin 'yung inspiration ko 'yung nagagawa ko 'yung work ko ng mabuti na parang 'Wow ang laking bagay pala,'" saad ng Kapuso actor.

Read: Bubble Shaker Andrea Torres and ‘Ismol Family’ hunk Mikael Daez featured in top Cambodian Magazine

Sa tanong naman kung seloso siya bilang boyfriend, diretsahan niya itong sinagot. "Hindi ako seloso dati pa. Dati pa talaga hindi ako seloso, para whatever happens, will happen. Lord ikaw [ang] bahala," sagot ni Mikael. 

Catch Mikael in the GMA Telebabad series My Faithful Husband on weeknights, and weekly in Bubble Gang and Ismol Family