Celebrity Life

Aicelle Santos, pinagmamalditahan si Julie Anne San Jose?

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Bago pa mag-umpisa ang Buena Familia ay inamin ng gumaganap na kontrabida na si Aicelle Santos na excited na siyang magmaldita sa character ng co-star niyang si Julie Anne San Jose.

Dahil parehong singer-actress, ginawang magkaribal sina Aicelle at Julie Anne sa Afternoon Prime soap. Ang role ni Aicelle ay si Olga Vergara, ang sikat na singer na pipigil kay Darling Buena (Julie Anne) na makamit ang pangarap niyang maging isa ring manganganta.

Kamakailan lang ay lumabas na si Olga sa eksena at sa simula pa lamang ay ipinakita na ni Aicelle ang kanyang husay sa pagmamaldita.

WATCH: Aicelle Santos' memorable kontrabida line in 'Buena Familia' 

First time maging kontrabida ni Aicelle kaya't challenging ang role ni Olga para sa kanya. "Noong natanggap ko nga 'yung news na magiging kontrabida ako, unang-una po itong pagkakataon kaya kinakabahan ako. Pero siyempre with the help of Direk [Gil Tejada], nagtatanong ako. 'Direk, okay ba 'yon, sobra ba, kulang ba,'" bahagi niya.

Ibang-iba raw talaga si Olga sa kanyang previous roles. Ani Aicelle, "'Yung mga nagawa kong roles before, kasi sa teatro ako nagsimula talaga, mabait, bata, at dreamer. Ngayon, ako naman 'yung pipigil sa dreams niya [Darling]."