Celebrity Life

Tickets para sa benefit concert ni Aiai Delas Alas, mabibili na

By MICHELLE CALIGAN

Dinaan ng Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas sa Instagram ang pag-anunsiyo niya na nakalabas ang tickets para sa kanyang benefit concert na gaganapin sa November 23, 2015 sa Mall of Asia Arena.



?Ang naturang event, na pinamagatang For The Love of Mama, ay para sa pagpapatayo niya ng mas malaking Kristong Hari Parish Church sa Quezon City.

READ: Aiai Delas Alas, magpapatayo ng simbahan 

Nasa Instagram post din niya ang pangalan ng performers na kanyang naimbitahan. Kabilang dito sina Erik Santos, Alden Richards, Nikki Valdez, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Sancho Delas Alas at and Madrigal Singers. Special guests din ang Six Priests in the City at K5, pati na rin sina Michael Angelo Lobrin, Fatima Soriano at Bo Sanchez.

Noong nakaraang linggo ay masayang ibinalita ng Sunday PinaSaya host sa kanyang Instagram followers ang improvement ng dating aktor na si Jiro Manio.

Mas lalong magiging abala si Aiai sa mga darating na buwan dahil sa MMFF entry nila ni Bossing Vic Sotto na Rom-comin Mo Ako, kung saan kumpirmado nang makakasama ang Kalye-serye loveteam na AlDub nina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza.

READ: CONFIRMED: AlDub joins Aiai and Bossing for MMFF movie 

Mabibili ang For The Love of Mama tickets sa selected SM Department Stores at sa lahat ng SM Cinemas nationwide.