Celebrity Life

Tom Rodriguez, sumaklolo nang tumaob ang bangka ng 'Marimar' crew

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Isa si Marimar leading man Tom Rodriguez sa mga sumaklolo nang tumaob ang sinasakyang bangka ng crew ng Marimar habang nagte-taping sa Morong, Bataan.

READ: Tom Rodriguez is a certified AlDub fan 

Kuwento ng acting coach na si Yan Yuzon sa Saksi, malakas na alon ang humampas sa kanila kaya ito tumaob, pero buti na lang at agad naman silang nakakapit sa katig.

"Tumalon si Tom sa tubig, pinasa niya ang lubid sa akin, pinasa namin sa crew members na nandoon sa capsized na boat," pahayag ni Yan.

Mabuti na lang daw at walang nasaktan sa insidente. Mas naging matatag naman ang samahan ng crew pagkatapos ng nangyari.

"We gathered the life buoys and life vests, tapos hinatid namin sa kabilang boat and we made sure na mayroong rope. Lahat naman kumilos," saad ni Tom.