Celebrity Life

Ryzza Mae Dizon, sasabak sa dramang 'Princess in the Palace'

By BEA RODRIGUEZ

Sanay sa komedya ang Kapuso child star na si Ryzza Mae Dizon kaya aminado ang pinakabatang host on TV na naninibago siya kanyang bagong teleserye ang Princess in the Palace.


WATCH: Ryzza Mae, naiyak sa plug ng bago niyang teleserye
 

Kaninang umaga, kasama ni Lhar Santiago mag-almusal si Aling Maliit at ikinuwento niya sa Unang Hirit ang mga karanasan noong una siyang sumabak sa taping para sa kanyang bagong show.

Mula sa pagiging host ng The Ryzza Mae Show, isa raw itong hamon para sa baguhang drama actress katulad niya. Saad ng batang aktres, “Kasi po hindi naman po ako sanay na drama-drama kasi ‘di ba po kapag [talk] show, parang comedy-comedy lang.”

WATCH: Ryzza Mae, napaluha sa actingan kasama si Dante Rivero 

Ibinahagi rin ni Dabarkads Ryzza ang kanyang pakikitungo sa mga kasama niya sa serye, “Kay Tita Eula po, medyo nakakahiya po kasi siyempre ang galing-galing na po niya na artista tapos ako first time ko lang po.”

Hiyang-hiya man siya sa beterang aktres, may kasama naman siyang kumportable niya nang makatrabaho. “Si Ate Aiza [Seguerra] naman po, magaling din po at saka nakasama ko na rin naman po siya sa mga movies at [Eat Bulaga] Lenten [special] kaya medyo okay po ako sa kanya.”

Mapapanuod na ang Princess in the Palace sa The Ryzza Mae Show ngayong Lunes ng 11:30 nang umaga bago mag-Eat Bulaga!

WATCH: The Ryzza Mae Show: Ryzza tries drama