Celebrity Life

Heart Evangelista, naghahanda para sa bahay na lilipatan nila ni Sen. Chiz Escudero

By MARAH RUIZ

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Pitong buwan nang kasal sina Beautiful Strangers star Heart Evangelista at Vice Presidential candidate Senator Chiz Escudero. Naghahanda na rin ang dalawa sa paglipat sa bahay na pamamalagian nila bilang mag-asawa.

LOOK: Art and shopping day with Regine Velasquez and Heart Evangelista in 'Sarap Diva'

"Gusto naming look para sa aming real house, Mediterranean, Pero inside, ayoko masyadong strong Mediterranean," kuwento ni Heart ang nag-guest siya sa programang Sarap Diva.

Mas gusto daw niya ang French country look para sa loob ng bahay nilang mag-asawa.

"Para homey. Hindi stiff. Also for the kids, very homey talaga for them. Hindi 'yung parang may mababasag," paliwanag nito.

Bukod sa paghahanda para sa kanilang permanenteng tirahan, nag-aaral na din daw siyang magluto para sa kanyang mister.

"Yes, 'yung mga simple lang. pero hindi naman ako talaga every night nagluluto. Kapag nagluluto ako, super appreciated niya 'yun," ayon kay Heart.

WATCH: Heart Evangelista's Creamy Chicken Pesto Pasta

Kung maganda ang nagiging takbo ng buhay ni Heart ngayon, panoorin ang masalimuot na kuwento ng kanyang karakter na si Kristine sa Beautiful Strangers, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.