advertisement
Celebrity Life

Comedian-singer Jograd dela Torre, pumanaw na

1 of 34

Dolphy 

Marami ang nalungkot sa pagpanaw ng itinuturing na Hari ng Komedya sa Pilipinas na si Rodolfo Quizon Jr. o mas kilala sa kanyang sikat na pangalan na Dolphy. Bumida si Dolphy sa maraming pelikula at TV shows na nagpasaya sa maraming Pinoy. July 10, 2012 sa edad na 83 years old, pumanaw si Dolphy na ayon sa report ay bunga ng pagkakaroon niya ng COPD (chronic obstructive pulmonary disease) at pneumonia.

2 of 34

Kuya Germs

Nagluksa rin ang buong entertainment industry taong 2016 dahil sa pagpanaw ng star builder na kilala bilang si Master Showman at si Kuya Germs na si German Moreno. Siya ang isa sa mga nagpasikat ng maraming kilalang artista sa industriya kabilang na ang mga aktor at aktres na nagsimula sa youth-oriented show noon na 'That's Entertainment.'

3 of 34

Gary Lising

Pumanaw naman taong 2019 ang beteranong komedyante na si Gary Lising sa edad na 78. Unang nakilala ang komedyante sa '80s gag show na 'Champoy.' Hindi idinetalye ng kanyang pamilya ang dahilan ng kanyang pagkamatay pero maalalang nagkaroon si Gary ng cardiac arrest taong 2009 at sumailalim siya sa angioplasty noong 2012.

advertisement
4 of 34

Bentong

February 9, 2019 nang pumanaw ang aktor at komedyante na si Bentong sa edad na 55 years old dahil sa heart attack. Una siyang nakilala noon sa comedy at variety shows.

5 of 34

Chokoleit

Heart attack din ang naging sanhi ng pagpanaw ni Chokoleit. Ikinagulat ng lahat ang pagkamatay ng komedyante na nangyari ilang sandali lamang pagkatapos ng kanyang show sa Abra.

6 of 34

Joy Viado

Ikinalungkot ng marami ang naging pagpanaw ng comedienne-actress na si Joy Viado dahil din sa heart attack. Isa si Joy sa kilalang comedians na sumikat sa telebisyon at pelikula.

advertisement
7 of 34

Babalu

Pagdating sa Philippine comedy noon, hindi mawawala ang pangalang Babalu o Pablito Sarmiento sa listahan ng mga pinakamahusay na komedyante sa industriya na madalas mapanood sa pelikula at TV. Ngunit dahil sa sakit na cancer ay binawian ng buhay ang aktor.

8 of 34

Redford White

Namayagpag ang career ni Redford White dahil sa kanyang karakter na Sol sa sitcom na 'Buddy en Sol' noong 1990s. Ngunit binawian ng buhay ang aktor dahil sa brain and lung cancer noong July 25, 2010 sa edad na 54 years old.

9 of 34

Rene Requeistas

Si Rene Requiestas ay isa sa top comedians noong late '80s hanggang early '90s. Ilan sa mga naging proyekto ni Rene ay ang 'Pido Dida' at 'Cheeta-eh: Ganda lalake?'

advertisement
10 of 34

Panchito

Kilala naman si Panchito bilang partner sa pagpapatawa ni Dolphy. Ayon sa mga ulat ay may dalawang buwan nang nakaratay sa ospital ang 70-anyos na si Panchito na nagkasakit ng cardio pulmonary arrest bago siya bawian ng buhay.

11 of 34

Miss Tapia

Unang nakilala si Mely Tagasa sa kanyang iconic role na Miss Tapia sa comedy show na 'Iskul Bukol.' Bago maging komedyante ay naging radio talent muna si Mely sa edad na 17 years old.

12 of 34

Blakdyak

Taong 2016 nang mamaalam ang '90s novelty hitmaker na si Blakdyak o Joseph Formoran Amoto. Nakilala siya sa kanyang mga awitin tulad ng "Modelong Charing," "Noon at Ngayon" at "Asin at Paminta."

advertisement
13 of 34

Elizabeth Ramsey

Bago mamaalam, nag-iwan muna ng kanyang marka sa entertainment industry bilang ang country's "Queen of Rock and Roll" na si Elizabeth Ramsey. Una siyang nakilala sa kanyang Visayan dialogues at ang kanyang pag-awit ng trademark cover na "Proud Mary" ni Tina Turner.

14 of 34

Tado Jimenez

Taong 2014 nang pumanaw mula sa isang bus accident papuntang Bontoc si Tado o si Arvin Jimenez sa totoong buhay. Nakilala si Tado bilang isang Filipino comedian, actor, radio personality, businessman, published author, at activist.

15 of 34

Palito

Isa sa mga beteranong slapstick comedian noong 1970s and 1980s si Palito oi Reynaldo Alfredo Hipolito sa totoong buhay. Pumanaw si Palito taong 2010.

advertisement
16 of 34

Bangkay

Suki bilang extra o cast ng horror films si Jose Clemente de Andres o Bangkay. Pumanaw ang komedyante taong 2018.

17 of 34

Pipoy

Bumenta ang comedic charm ni Larry “Pipoy” Silvia bilang sidekick sa comedy movies at TV shows. Siya ay sumikat dahil sa kanyang role bilang Pipoy noong '80s hanggang '90s sa 'Okey Ka, Fairy Ko.' Pumanaw si Pipoy sa edad na 66 years old noong 2004.

18 of 34

Zorayda

Sumakabilang buhay ang dating komedyante na si Zorayda Sanchez dahil sa sakit na breast cancer noong 2008. Si Zorayda ay naging scriptwriter at sumikat bilang komedyante noong '80s at '90s.

advertisement
19 of 34

Tiya Pusit

Pumanaw ang aktres na si Myrna Villanueva o mas kilala sa tawag na Tiya Pusit dahil sa multiple organ failure. Gaya ng kanyang kapatid na si Nova Villa, sumikat din ang pangalan ni Tiya Pusit noong '80s sa comedy shows.

20 of 34

Carding

Sa bansag na 'The Reycard Duet' unang naging matunog ang pangalan ni Carding Castro. Nakilala siya sa mundo ng comedy shows at films noong '90s.

21 of 34

Chiquito

Sa pelikula naman nagbigay ng saya ang komedyanteng si Chiquito bago siya mamaalam.

advertisement
22 of 34

Sammy Lagmay

Taong 2013 binawian ng buhay ang komedyanteng si Sammy Lagmay. Siya ay sumikat noong '90s sa ilang comedy shows

23 of 34

Ungga 

Heart failure ang naging dahilan ng pagpanaw ng komedyanteng si Noel Ayala o mas kilala bilang Ungga.

24 of 34

Bernardo Bernardo

Ang stage actor at comedian na si Bernardo Bernardo ay isa mga komedyanteng nakasama ni Dolphy noon sa isang sitcom. Taong 2018 binawian ng buhay ang aktor.

advertisement
25 of 34

Ben Tisoy

Sa pagiging extra sa comedy shows nakilala si Ben Tisoy. Naging tanyag ang kanyang pangalan dahil sa kanyang kumpas ng dalawang kamay sa gilid ng kanyang ulo habang siya ay nagsasalita.

26 of 34

Tommy Angeles

Nakilala si Tommy Angeles bilang si “Mang Tomas” sa isang sitcom na pinagsamahan nila ng Comedy King na si Dolphy.

27 of 34

Kim Idol

Pumanaw ang komedyanteng si Kim Idol noong July 13, 2020, ilang araw matapos mapabalitang siya ay nasa kritikal kondisyon at naka-life support na lamang.

advertisement
28 of 34

Le Chazz

Si Le Chazz na mas kilalang Richard Yuzon sa tunay na buhay ay pumanaw noong May 1, 2021.

29 of 34

Hans Mortel 

July 14, 2021 nang inanunsyo ng mga kaanak ni Hans Mortel na tuluyan na itong namaalam dahil sa hindi tinukoy na sakit. Nakilala si Hans bilang stand-up comedian at co-host ni Amy Perez sa programang Face To Face.

30 of 34

Ate Shawee

July 25, 2021 nang bawian ng buhay si Marvin Martinez o mas kilala bilang si Ate Shawee na isa sa mga kilalang impersonator ni Sharon Cuneta. Namatay si Marvin dahil sa sakit na liver cirrhosis.

advertisement
31 of 34

Mahal

August 31, 2021 nang mamatay ang komedyanteng si Mahal o Noemi Tesorero sa totoong buhay. Madalas niyang makapareha noon ang kapwa little person na si Mura, o Allan Padua, na binisita pa niya ilang linggo bago siya mamatay.

32 of 34

Shalala

Sa edad na 61 namaalam ang kilalang TV and radio personality na si Carmelito Reyes na kilala rin bilang komedyante na si Shalala. Pulmonary tubercolosis ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ni Shalala.

33 of 34

Don Pepot 

January 2022 nang bawian ng buhay sa edad na 88 ang beteranong komedyante na si Don Pepot o si Ernesto Fajardo sa totoong buhay. Nakilala si Don Pepot sa mga pelikula at programang 'John and Marsha,' 'Si Agimat,' at 'Si Enteng Kabisote at Si Ako.'

advertisement
34 of 34

Willie Nepomuceno

Pumanaw na ang kilalang impersonator na si Willie Nepomuceno ngayong July 26 sa edad na 75.
Ilang sa mga na-impersonate na niyang political figures ay ang mga dating pangulo na sina Ferdinand Marcos Sr., Fidel Ramos, Joseph Estrada and Benigno "Noynoy" Aquino 3rd; dating Manila Mayor Alfredo Lim; at King of Philippine Cinema na si Fernando Poe Jr. at si Comedy King Rodolfo "Dolphy" Quizon. Naging bahagi rin siya ng dating comedy sketch show na 'Ispup.' Bukod sa pagiging komedyante at impersonator, nakilala rin bilang music artist si Willie. Sa katunayan, nakapag-release siya ng mga album tulad ng 'Ako Ay Ikaw Rin,' 'Willie's Way,' 'Snap Revolution: The Untold Story of People Power,' 'Menemis Willie Nep,' 'Willie Nep for President (Vote One, Take All), and 'Love Album.'