advertisement
Celebrity Life

Celebrities who ended their conflict

1 of 46

Barretto Sisters

Naging malaking balita noon ang hidwaan ng Barretto sisters na sina Claudine at Gretchen. Mahigit kalahating dekada rin ang itinagal ng naging away nila na nagdulot ng pagkakahati ng kanilang pamilya.

2 of 46

Gretchen and Claudine

Maraming fans naman ang natuwa nang makitang magkasama sina Gretchen at Claudine sa Solaire Resort and Casino. Sa Instagram live video ni Gretchen, maririnig si Claudine na nagsabing masaya siyang makasama ang kaniyang ate.

3 of 46

Gutierrez Brothers

Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez sa isang morning talk show na minsan nang nagkalamat ang relasyon ng kaniyang mga kapatid at celebrity twins na sina Raymond at Richard.

advertisement
4 of 46

Girlfriend ang dahilan

Ayon kay Ruffa ay isang taon hindi nag-usap ang dalawa matapos makipaghiwalay ni Richard sa ex-girlfriend niya noon na kaibigan naman ni Raymond. Pero all in the past na para sa kambal ang mga nangyari.

5 of 46

Kris Aquino and Vice Ganda

Minsan na ring nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Kris at ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. Nagkabati rin ang dalawa kinalaunan at nagyakapan pa nang magkita sa block screening ng pinagbibidahang pelikula ni Kris. Ayon pa sa TV host/actress, ang anak niyang si Bimby ang dahilan kung bakit nanahimik ang dalawa tungkol sa kanilang issue.

6 of 46

Marian Rivera at Katrina Halili

Unang lumabas ang balita na may namuong alitan sa pagitan nina Marian Rivera at Katrina Halili noong magsama sila sa 'Marimar,' at muling nabuhay ang issue nang magkatrabaho sila uli sa 'My Beloved.'

advertisement
7 of 46

Ninang at flowergirl

Nagkaayos din ang dalawa kianlaunan at kinuha pang ninang ni Katrina si Marian nang ipanganak niya si Katie. Samantala, kinuha naman ni Marian na flower girl ang inaanak sa kasal nila ni Dingdong Dantes.

8 of 46

Snubbing issue

Isang snubbing issue naman ang kinasangkutan ni Marian at ni Lovi Poe. Ayon sa balita ay nakasalubong ni Lovi si Marian at Dingdong ngunit ang aktor lang ang binati nito. Samantala, nang magkasama naman sina Marian, Lovi, at Solenn Heussaff sa 'Sunday All Stars, si Solenn lang din ang binati ni Marian.

9 of 46

Nagpansinan na

Nagpansinan rin ang dalawa kinalaunan sa 15th Anniversary ng YES! Magazine noong 2018. Sa interview niya noon sa 'Startalk,' inamin ni Lovi na siya ang lumapit ay nagbeso kay Marian.

advertisement
10 of 46

Mother-daughter

Matapos ng kaniyang mga kapatid, nagkaroon din ng hindi pagkaka-unawaan si Ruffa at ang kaniyang ina na si Annabelle Rama. Kadalasan ay buhay pag-ibig ng kaniyang panganay ang nagiging ugat ng kanilang away.

11 of 46

Ruffa and Annabelle 

Ilang beses man mag-away ay nangingibabaw pa rin ang pagiging mag-ina nina Annabelle at Ruffa. Sa ngayon ay maayos na ang relasyon ng dalawa.

12 of 46

Korte

Matindi ang naging away noon ng magkapatid na sina Ara Mina at Christine Reyes, na umabot pa noon sa korte ng sampahan ng una ang nakababatang kapatid ng reklamong libel at grave coercion.

advertisement
13 of 46

Nagkapatawaran

Hindi nagtagal ay nagkapatawaran din ang magkapatid at pinagtanggol pa ni Ara si Christine sa naging hidwaan nito kay Vivian Velez noon.

14 of 46

Gap sa magkapatid

Nagkaroon din ng gap at hindi nag-usap ang magkapatid na Assunta at Alessandra de Rossi nang magkaroon ng relasyon si Assunta kay Congressman Jules Ledesma. Bukod pa dun ay wala ring dumalong kamag-anak ni Assunta sa civil wedding nila ni Jules noong November 2002. Ngunit nakumpleto naman ang pamilya ni Assunta sa church wedding nila ni Jules noong March 2004, at si Alessandra pa mismo ang nagsilbing maid of honor niya.

15 of 46

Sisters forever

Sa ngayon, makikitang maayos na maayo na ang makapatid na De Rossi. Sa katunayan, minsan ay ipinopost pa ni Alessandra ang masayang pag-aalaga niya sa anak ni Assunta na si Fiore.

advertisement
16 of 46

Tampuhan

Nagkaroon naman ng tampuhan ang matalik na magkaibigang sina Kim Chiu at Maja Salvador nang pumutok ang balita na boyfriend na ni Maja ang ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson.

17 of 46

Dating pagkakaibigan

Ikinuwento naman ni Kim sa isang interview noong 2015 na unti-unti nang nanunumbalik ang pagkakaibigan nila ni Maja. Sa isang recent vlog, ibinahagi ni Kim na kahit hindi siya imbitado ni Maja sa kasal nito ay masaya siya para sa kaibigan.

18 of 46

Scandal

Isang scandal naman ang sumira sa relasyon nina Dr. Hayden Kho, Jr., Dr. Vicki Belo, at Katrina Halili nang lumabas ang isang video scandal na kinasangkutan nina Hayden at Katrina.

advertisement
19 of 46

Pitong taon

Pitong taon ang itinagal ng kanilang di pagkakaunawaan bago nagkapatawaran at nagkaayos ang tatlo.

20 of 46

Matinding tampuhan

Matinding tampuhan din ang dahilan para magkalamat ang pagkakaibigan nina Aiai Delas Alas at Kris Aquino.

21 of 46

Kasal ng DongYan

Naging daan ang kasal nina Didong at Marian para magkaayos sina Kris at Aiai nang maging isa sa mga ninang ang Queen of All Media, samantalang sa secondary sponsors naman nakasama ang Concert Comedy Queen.

advertisement
22 of 46

John, Randy at Willie

Bukod sa pagiging matalik na magkakaibigan, hosts din sina John Estrada, Randy Santiago, at Willie Revillame ng isang noontime show sa Kapamilya network noon. Nagkaroon lang ng lamat ang pagkakaibigan nila nang tanggapin nina John at Randy ang offer ng network maging hosts sa isang bagong show gayong may inaayos umaong show si Willie para sa dalawa sa TV5.

23 of 46

Nagkaayos din

Halos dalawang taon ang itinagal ng hindi pag-uusap nina John at Wille at natuldukan lang ito sa burol ng ama ni John na si Vicente. Samantala, si Randy naman ang naging direktor ng varitey game show ni Willie noon.

24 of 46

Relasyon  

Hindi ikinatuwa ng mga magulang ni Heart Evangelista, lalo na ng kaniyang ina na si Cecilia Ongpauco, ang pagkakaroon nito ng relasyon kay Senator Chiz Escudero. Bukod pa dito ay wala rin sila sa kasal nina Heart at Chiz noong February 2015.

advertisement
25 of 46

Pinagpasalamat 

Taong 2018 ay ipinagpasalamat ni Heart ang pagkaka-ayos nila ng kaniyang mga magulang at ang pagtanggap nila sa asawa niyang si Chiz.

26 of 46

Isang sulat

Nagkaroon naman ng matinding away ang magkapatid na Claudine at Jay-Jay Barretto noong 2013 dahil sa inilabas na sulat ng kanilang ina na pinupuri si Claudine habang sinisiraan naman ang isa pa nilang kapatid na si Gretchen.

27 of 46

Apat na taon

Apat na taon ang itinagal ng kanilang away bago sila nagkaayos. Sa isang post, ipinakita ni Claudine sa isang larawan nilang magkakasama sa isang restaurant.

advertisement
28 of 46

Sharon at Gabby

Matapos ikasal nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ng dalawang beses noong 1984, sa isang secret civil wedding na sinundan ng church wedding, ay naging mapait naman ang paghihiwalay nila noong 1987.

29 of 46

Magkaibigan na uli

Ngayon ay magkaibigan na muli ang dalawa at kailan lang ay nagsama pa silang dalawa sa isang concert kasama ang anak nilang si KC Concepcion.

30 of 46

Nagkakasakitan

Teenagers pa lang sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez nang maging magkasintahan. Ngunit nang dumating umano sa puntong nagkakasakitan na sila ay tinapos na nila ang kanilang ugnayan noong late '90s.

advertisement
31 of 46

Nagkrus ang landas

Nagkrus muli ang landas nilang dalawa matapos ang maraming pagsubok sa buhay sa opisina ng Viva Entertainment. Bukod pa dun ay ipinagtanggol din ni Claudine si Mark laban sa mga malisyosong fake news na kinasasangkutan nito.

32 of 46

Napagkamalan

Napagkamalan lang naman noon ni Sharon Cuneta ang parody na Krissy bilang si Kris Aquino noong 2012 na naging mitsa ng kanilang issue. Sinabi kasi ni Krissy na hindi niya fina-follow ang Mega Star sa social media, na sinagot naman ni Sharon ng "Di ko rin naman sya fina-follow ever." Nag-sorry naman si Sharon kay Kris nang malaman nito ang totoo.

33 of 46

Renewed friendship

Ibinalita naman ni Kris na renewed na ang friendship nila sa Sharon sa kaniyang Instagram, na kinumpirma naman ng huli nang batiin niya si Kris sa kaarawan nito.

advertisement
34 of 46

Biggest showbiz controversy

Isa sa biggest showbiz controversies noon ang paghihiwalay nina Dingdong Dantes at Karylle at ang umpisa ng relasyon ng Kapuso Primetime King kay Marian Rivera.

35 of 46

Beso

Sa isang beso sa isa't isa sa isang event, ipinakita nina Marian at Karylle na okay na sila matapos ang maraming taon.

36 of 46

Matatalim na salita

Matatalim na salita mula kay Ahron Villena ang naging mitsa sa pagputol ng alitan nila ni Kakai Bautista. Inamin ng aktres at komedyante na nahulog na siya sa aktor at tila umasa na sa pag-ibig nito, ngunit sinagot lang ni Ahron ang mga interviews ni Kakai ng "Naging tayo ba?" at "There was never an us."

advertisement
37 of 46

Pelikula

Sa teasers ng pinagbidahan nila noong pelikula naipakita ng dalawa na tila nagkakamabutihan na sina Kakai at Ahron.

38 of 46

Mother and Sons

Naging estranged ang relationship ng magkapatid na Andre at Kobe Paras sa kanilang inang si Jackie Forster matapos ang hiwalayan nito at ng kanilang amang si Benjie Paras.

39 of 46

Reunited

Reunited ang tatlo matapos ang halos 12 na taon nang magkita sina Jackie at Kobe sa Los Angeles noong 2019, habang nakita naman niya face-to-face ang anak na si Andre nang bumisita siya sa Pilipinas. Bago pa man naganap ang reunion, nag-uusap na raw silang mag-iina sa chat at video calls.

advertisement
40 of 46

Heart and Marian

Nagkaroon umano ng feud ang dalawang Kapuso stars na sina Marian Rivera at Heart Evangelista ngunit kamakailan lang ay napansin ng netizens na fina-follow na nila ang isa't isa sa Instagram. Nag-iwan pa ng heart si Marian sa isa sa mga posts ni Heart.

41 of 46

Misunderstanding

Nagkaroon naman ng hindi pagkakaintindihan sina Popstar Princess Sarah Geronimo at Christine Reyes, na nagtulak sa huli na mag-tweet ng mga hindi magaganda patungkol sa singer-actress. Nang aminin ni dancer-actor Rayver Cruz na siya ang dahilan nito ay humingi rin ng tawad si Christine.

42 of 46

Turned down

Nagkaroon din ng hindi pagkakaunawaan sina Megastar Sharon Cuneta at Aga Muhlach noong 2010 nang i-turn down umano ng aktor ang second movie project nilang dalawa. Nagkaayos din ang dalawa ng sabihin ni Aga sa isang interview na gisto pa rin niyang makatrabaho si Sharon, samantalang ang asawa ng aktor na si Charlene Gonzales, ibinahagi sa hiwalay na interview na pinapahalagahan nila ang friendship ng Megastar.

advertisement
43 of 46

Badmouth

Bad mouthing at payabangan umano ang naging dahilan ng hidwaan ng magkaibigan na Toni Gonzaga at Mariel Padilla noong 2010. Inamin noon ni Toni na bina-badmouth siya noon ni Mariel sa ibang tao na ikinagalit niya. Hindi rin naman nagtagal ang kanilang away at nagkabati rin sila kinalaunan.

44 of 46

Saying goodbye

Nagkaroon din ng hindi magandang pamamaalam sa isa't isa sina Ruffa Guttierez at Kris Aquino noong 2010 nang umalis si Ruffa bilang host ng afternoon talk show nila. Sa nasabing episode ay may mga nasabi si Kris, na ayon dito ay affectionate, ngunit maaaring iba ang interpretasyon ni Ruffa. Nagkayos rin ang dalawa matapos ang isang taon nang magkita sila sa isang restaurant sa Pasay. Ayon sa TV personality na si Tim Yap ay nagkita at nagbaitan ang dalawa sa restaurant. Samantala, ibinahagi naman ni Ruffa na nabunutan siya ng tinik nang magkita at magkaayos na sila ni Kris.

45 of 46

Kontorbersiyal na away

Naging kontrobersiyal ang away ng social media personality na si Zeinab Harake ay talent manager na si Wilbert Tolentino. Nagpost si Zeinab ng isang blind item tungkol sa mga taong "mapagsamantala"at "manloloko" at kahit walang tinutukoy na tao o grupo, pakiramdam ni Wilbert ay siya ang pinatatamaan ng content creator. Kaya naman, ibinahagi ng talent manager ang mga private messages nila ni Zeinab kung saan mababasa ang hindi magagandang comments nito sa iba pang celebrities. Ngunit makalipas ang ilang buwan, ibinahagi ni Wilbert na inimbita niya si Zeinab sa opening ng kaniyang restaurant. Inamin din niya sa isang panayam na nagkaayos na rin sila.

advertisement
46 of 46

Kumpetensya

Naging kontrobersiyal din ang away ng mag-inang Naroa Aunor at Matet de Leon nang makipag kumpetensya ang beteranang aktres sa negosyo ng kaniyang anak noong 2022. Ngunit January pa lang ng 2023 ay nag-message na si Nora sa kaniyang anak para makipag-ayos. Ibinahagi ni Matet sa kaniyang vlog na mommy niya ang naunang mag-messae, ngunit nilinaw din ni Matet na December 2022 pa lang ay gusto na rin niyang makipag-ayos dito.