Celebrity Life

Rocco Nacino, sumabak sa practical shooting

By MARAH RUIZ

Nagbahagi si Beautiful Strangers star Rocco Nacino ng isang maikling video kung saan nasa loob siya ng isang indoor shooting range.



Makikita ditong sumasabak si Rocco sa isang pagsasanay sa practical shooting. Isa itong uri ng shooting sports kung saan hindi lang basta dapat matamaan ang target. Sinusukat din dito ang bilis at lakas ng isang tao habang tinatapos ang isang course.

Nakasama din ni Rocco sa practical shooting crash course si Marimar star Tom Rodriguez.



Ayon kay Rocco, may pinaghahandaan daw silang dalawa ni Tom ngayong Nobyembre.

Para sa iba pang updates, mag-log on lamang sa GMANetwork.com!