Paul Salas, niregaluhan ang sarili ng kanyang dream watch

Bago pa man sumapit ang Pasko, niregaluhan na ni Paul Salas ang sarili ng kanyang dream watch.
Nakapanayam ng GMANetwork.com at ilan pang entertainment media si Paul matapos siyang ipakilala bilang endorser ng Beauty Wise kamakailan.
Dahil magpa-Pasko na, natanong siya kung handa na ang kanyang mga regalo, kabilang ang sarili.
Dito, nabanggit niya na sa wakas ay nabili na niya ang kanyang pinapangarap na relo.
“Matagal na pangarap ko po ang magkaroon ng luxury watch. Nakabili ako from my Tito Carlo Gonzalez, na mahilig sa watch,” ani Paul.
Hindi binanggit ni Paul kung ano ang brand ng kanyang bagong relo. Pero deserve naman ito ni Paul sa dami ng kanyang mga naging trabaho, kabilang na rito ang katatapos lang niyang pelikula, ang Shake, Rattle & Roll.
Kaya naman sabi niya, “Sobrang thankful lang po kasi kahit papaano nagkaroon ako ng blessing na dati pinapangarap ko lang.”
Siyempre, inihahanda na rin ni Paul ang kanyang regalo para sa girlfriend niyang si Mikee Quintos, na nagdiwang ng kanyang ika-26 na kaarawan noong December 18.
May ideya na raw ang binatang aktor kung ano ang gusto ng kanyang kasintahan.
Paglalarawan niya, “May hinihirit siya, e. Ganun yun si Mikee, kapag may gusto hindi niya itatago, ihihirit niya. Ako rin ganun. Kaso minsan yung hinihirit medyo mabigat. Mahal sa bulsa.”
Kinalaunan, sinabi rin ni Paul na, “Gusto niya ng mamahaling espresso machine kasi mahilig siya sa kape.”
Samantala narito ang ilang pang celebrities na bongga kung magregalo:































































