advertisement
Celebrity Life

T.G.I.S star Aiza Marquez at ang buhay niya sa Amerika ngayon

1 of 19

Last project

Taong 2010 nang huling lumabas si Aiza sa TV sa isang episode ng drama anthology series program habang 2007 nang huli siyang napanood sa isang teleserye.

2 of 19

Brooklyn Kate

Nang magkaroon ng relasyon si Aiza mas pinili niya ang buhay malayo sa showbiz sa halip na ipagpatuloy ang kaniyang nasimulang career dito. Noong 2011 ay ipinanganak niya ang unang anak na si Brooklyn Kate.

3 of 19

Moving to the US

Sa naunang interviews ni Aiza, nabanggit niyang nag-aayos na ang kaniyang pamilya para pumunta sa US. Noong 2011, nag-migrate na rin siya doon kasama ng dating asawang si Chino Banas.

advertisement
4 of 19

Getting Married

Ikinasal sina Aiza at Chino sa US noong 2014.

5 of 19

Bryce Matthew

Noong 2016, ipinanganak naman ni Aiza ang ikalawang anak nila ni Chino, si Bryce Matthew.

6 of 19

Separation

Ang masaya at matagal na pagsasama nina Aiza at Chino ay nauwi rin sa hiwalayan kalaunan.

advertisement
7 of 19

Single mom

Pinalaki ni Aiza sina Brooklyn at Bryce bilang isang single parent matapos silang maghiwalay ni Chino. Kahit hiwalay na, sinabi ng aktres sa isang interview na nabibisita pa rin ng kaniyang mga anak ang kanilang ama.

8 of 19

Her life

Sa mga post ni Aiza sa Instagram ay madalas niyang isama ang mga anak para mamasyal o kaya naman ay magbakasyon sa iba't ibang lugar.

9 of 19

Mini Reunion

Noong 2016 nagkaroon ng mini reunion ang batch 3 ng T.G.I.S. nang magbakasyon si Aiza sa Pilipinas. Naging welcome home party rin ang pagkikita nila ng mga kasamahang sina Anne, Vanna, Yvez, Chubi, at JR.

advertisement
10 of 19

Still connected

Kahit matagal nang wala sa Pilipinas o tumigil sa showbiz ay madalas pa rin connected si Aiza sa kanyang naging co-stars na bumibisita sa US.

11 of 19

Dating again

Sa isang interview noong 2020, bago mag-lockdown dahil sa pandemci, sinabi ni Aiza na nakikipag-date siyang muli sa isang Colombian.

12 of 19

Online T.G.I.S. Reunion

Noong May 2020 nagkaroon muli ng reunion via online ang 'T.G.I.S.' Ang virtual reunion na ito ay ng tatlong oras na puno ng kuwentuhan.

advertisement
13 of 19

Life Update

Nagbigay naman ng life update si Aiza sa interview niya, kasama ang ilan sa mga kasama niya sa 'T.G.I.S.' batch 3, sa online talk show ni Paolo Contis na 'Just In.'

14 of 19

Hiking

Nang unti-unting lumuwag ang restriction dulot ng pandemic, nagsimula nang mag-hike muli si Aiza sa iba't ibang mga bundok sa US.

15 of 19

Making time for kids

Kahit minsan ay busy sa trabaho, sinisigurado ni Aiza na meron pa rin siyang oras para maka-bonding ang kaniyang mga anak.

advertisement
16 of 19

Peformer

Matapos ang halos isang dekada na hindi pag-perform ay nakatapak muli si Aiza sa entablado noong 2021 para sa isang Entepreneur Recognition Night kasama ang ilang mga celebrities, kabilang na ang 'Makiling' actress na si Ruffa Mae Quinto.

17 of 19

124th Philippine Independence celebration

Nakapag-perform muli si Aiza sa entablado noong 2022 sa pagdiriwang ng 124th Philippine Independence sa New York.

18 of 19

Moving Up

Noong June 2023, ipinagdiwang ni Aiza ang pagtatapos sa elementary ng kanyang panganay na anak na si Brooklyn.

advertisement
19 of 19

Parokya ni Edgar

Nang magpunta sa US ang banda ng The Voice Generation coach na si Chito Miranda na Parokya ni Edgar, isa sa mga naging guest nila ay si Aiza.