Showbiz-related items na nakolekta ni Boss Toyo

Usap-usapan ngayon sa social media ang mabibigat na content ng collector at content creator na si Jayson Luzadas o mas kilala bilang si Boss Toyo.
Kamakailan lang, napanood siya bilang guest sa GMA's hit magazine show na 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'
Mismong ang host ng programa na si Jessica Soho ang bumisita kay Boss Toyo upang personal na makita ang laman ng store nito.
Game na game namang ipinasilip ng collector kay Jessica at sa viewers ang ilan sa mga mahahalagang bagay na parte na ng kanyang koleksyon.
Ilan sa kanyang koleksyon ay iba't ibang gamit ng mga artista tulad ng ilang gamit ni Francis Magalona, Daniel Padilla, mga politiko, at iba pa.
Silipin ang amazing collection ng tinaguriang Pinoy Pawnstar na si Boss Toyo sa gallery na ito.















