advertisement
Celebrity Life

Kristel Fulgar, nahanap na ba ang kanyang forever?

1 of 17

Kristel Fulgar

Ikinakilig ng netizens ang update tungkol sa love life ni Kristel Fulgar.

2 of 17

Korean Suitor

Ayon sa vlog ni Kristel, kasama niyang namasyal ang ipinakilala niyang "Korean suitor."

3 of 17

Comments

Ikinatuwa ng netizens nang makita ang Korean guy na kasama ni Kristel. Ayon sa kanila, napansin nilang swak ang personality ng dalawa.

advertisement
4 of 17

Korea

Namasyal sina Kristel at ang "Korean suitor" niya sa Ludensia and Nami Island sa South Korea.

5 of 17

Couple photos

Makikita sa vlog ni Kristel na ilang beses silang kumuha ng couple photos sa kanilang pamamasyal.

6 of 17

Kilig

Isang vlog na puno ng kilig moments nila ang ipinakita ni Kristel.

advertisement
7 of 17

Reactions

Naobserbahan ng netizens ang gestures ni "Korean suitor" para kay Kristel. Isa sa mga nag-comment sa channel ni Kristel ang nagsabing, "I love how they're laughing all the time na talagang nag-e-enjoy sila sa presence ng isat-isa. Also grabe the love language ni guy ah."

8 of 17

Happy moments

Makikitang masayang kasama ang "Korean suitor" ni Kristel sa kanilang pamamasyal sa Ludensia at Nami Island.

9 of 17

Like

"I just only like you," ang linyang nagpakilig kay Kristel sa kaniyang vlog.

advertisement
10 of 17

Moments

Sa mga moments na ipinakita ni Kristel sa kaniyang vlog, kapansin-pansin na komportable siyang kasama ang ipinakilalang Korean suitor.

11 of 17

TikTok

Game na game rin silang gumawa ng cute na TikTok videos.

12 of 17

Next vlog

Sa teaser ng kaniyang next vlog, ipinakita niyang makakasama niya muli ang kaniyang "Korean suitor."

advertisement
13 of 17

Sweet photos

Pagkatapos ipakilala ni Kristel sa kaniyang vlog si Suhyuk bilang Korean suitor ay nagpo-post na rin siya ng kanilang sweet photos sa Instagram.

14 of 17

Interview

Sa kaniyang interview sa GMANetwork.com, sinabi ni Kristel na dahil sa isang kaibigan kaya niya nakilala ang kaniyang Korean suitor.

"So, alam niya naman na single ako. 'Tapos, kilala din niya ang personality ko, so sabi niya, 'Baka magustuhan mo itong guy na ito kasi halos same kayo ng personality.' And parang alam niya seryoso [na] 'pag nakipag-relationship yung guy, seryoso siya, kasi alam niya hindi ako lolokohin or what."

15 of 17

Perfect timing

Inilahad pa ni Kristel na perfect timing ang kanilang pagkikita.

"Parang super saktong-sakto lang din talaga yung pagdating niya sa buhay ko like, hindi siya dumating habang kunwari nag-aaral ako, [o] habang super busy ako sa work. Parang kung kailan sabi ko sarili ko na, 'Ay ready na ako,' doon siya dumating."

advertisement
16 of 17

Surgery

Nang sumailalim si Kristel sa surgery para sa schwannoma, si Suhyuk ang nag-alaga sa kaniya.

Saad ni Kristel, "I'm just glad I had someone to lean on at this tough moment."

17 of 17

Relationship status

Sinabi ni Kristel sa GMANetwork.com na hindi pa niya sinasagot ang Korean suitor dahil hindi pa siya miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

"Hindi pa siya member ng church ko... I need to stick to my beliefs and principles."