advertisement
Celebrity Life

Pinoy celebrities na meron ding YouTube channels

1 of 71

Arellano Family

Unang inilunsad ng showbiz couple na sina Iya Villania at Drew Arellano ang kanilang YouTube channel noong September 20, 2019 na tinawag nilang 'Life with the Arellanos.'

2 of 71

Ruru Madrid

Inilunsad ng 'Black Rider' star na si Ruru Madrid ang kaniyang YouTube channel noong 2022 kung saan tinanong niya ang kaniyang mga followers kung anong content ang gusto nilang makita.

3 of 71

Alice Dixson

Naglunsad din ng kaniyang sariling YouTube channel ang aktres na si Alice Dixson kung saan ipinapakita niya ang pang araw-araw niyang buhay, travels, at iba't-ibang interes sa kaniyang vlog.

advertisement
4 of 71

Jennylyn Mercado

Sinimulan naman ng 'Love. Die. Repeat' actress na si Jennylyn mercado ang kaniyang YouTube channel noong 32nd birthday niya kung saan nag va-vlog siya ng mga bagay na malapit sa puso niya tulad ng food, music, games, at fitness. Nakakasama rin niya sa ilang collaborations ang kaniyang mister na si Dennis Trillo.

5 of 71

Kyline Alcantara

Vina-vlog naman ng 'Shining Inheritance' star na si Kyline Alcantara ang buhay niya sa araw-araw at ilang videos kung saan sumasabak siya sa challenges.

6 of 71

Mikee Quintos

Ilan naman sa mga videos ni Mikee Quintos sa kaniyang vlog ay ang kaniyang mga travel videos at song covers sa YouTube. Noong 2020, iniba niya ang direksyon ng kaniyang channel dahil gusto niyang mas maka-inspire pa sa kaniyang vlog.

advertisement
7 of 71

Jak Roberto and Sanya Lopez

Nagkaroon din ng vlog ang magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez sa YouTube kung saan pinapakita nila madalas ay ang kanilang travel adventures.

8 of 71

Solenn Heussaff

Nagkaroon din ng sarili niyang YouTube channel si Solenn Heussaff kung saan ipinapakita niya ang buhay niya ng walang camera. Nang ikasal sila ni Nico Bolzico, naging family vlog na ito. Dito rin nila ipinakita ang pagpapagawa nila ng bagong bahay.

9 of 71

Gwen Zamora and David Semerad

Inilunsad rin ng partners na sina Gwen Zamora and David Semerad ang kanilang YouTube channel na David & Gwen Semerad kung saan nila unang inanunsyo ang tungkol sa kanilang first baby.

advertisement
10 of 71

Camille Prats

Tila isang cookshow naman ang naging YouTube channel ni Camille Prats na naggi-guest ng iba't-ibang celebrities para samahan siyang mag luto at ma-interview. Nagpo-post rin siya ng fitness vlogs nila ng asawang si VJ Yambao at travel vlogs nilang pamilya.

11 of 71

Team Dantes

Mayroon ding YouTube channel ang Kapuso Primetime Royalties na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na tinawag nilang 'The Dantes Squad.'

12 of 71

Winwyn Marquez

Ginawa naman ni Reina Hispanoamericana 2017 WinWyn Marquez ang kaniyang YouTube channel na tinawag niyang 'winwynsituation' kung saan madalas ay ipinapakita niya ang buhay niya sa likod ng kamera, kasama ang anak na si Luna.

advertisement
13 of 71

Judy Ann Santos

Ipinamalas din ng aktres na si Judy Ann Santos ang kaniyang pagmamahal sa pagluluto sa kaniyang YouTube channel na 'Judy Ann's Kitchen.'

14 of 71

Nadia Montenegro

Ibinida din ng celebrity mom na si Nadia Montenegro ang talento sa pagluluto at may bonus pang personal recipes sa kaniyang YouTube channel.

15 of 71

 LJ Reyes

Sa kanyang YouTube channel naman ipinakita ni LJ ang ilang behind-the-scenes ng kanyang buhay sa U.S. kasama ang kaniyang asawa at mga anak. Dito rin niya unang ipinakita ang wedding at engagement video nila ni Philip Evangelista.

advertisement
16 of 71

Amy Perez

Bukod sa kaniyang pagiging TV host, host din si Amy Perez ng kaniyang vlog na 'Fun Fun Tyang Amy.'

17 of 71

Vice Ganda

Mas lalong napalawak ng komedyante at host na si Vice Ganda ang dami ng naaabot niyang fans at followers nang simulan niya ang kaniyang YouTube account.

18 of 71

Toni Gonzaga

Sinundan naman ng aktres at TV host na si Toni Gonzaga ang yapak ng kapatid na si Alex nang simulan niya ang sariling YouTube channel noong 2019.

advertisement
19 of 71

Alex Gonzaga

Relatable at mga nakakatawang content naman ang laman ng YouTube channel ni Alex Gonzaga.

20 of 71

Heart Evangelista

Sinimulan ng fashion icon na si Heart Evangelista ang kaniyang YouTube channel nang ipakita niya dito ang pagdalo at mga ginawa niya noong Fashion Week. Ipinakita rin niya ang ilang behind-the-scenes mula sa Paris Fashion Week.

21 of 71

Bianca Gonzalez

Life advice naman ang laman ng YouTube channel ng host na si Bianca Gonzalez. Nag-iimbita rin siya ng iba't-ibang personalidad na kapareho nang pinagdaanan ng netizen na humihingi ng advice.

advertisement
22 of 71

Ashley Ortega

Tungkol naman sa beauty, pang araw-araw na buhay at travel ang YouTube channel ng 'Pulang Araw' star na si Ashley Ortega.

23 of 71

Ryzza Mae Dizon

Nagsimula na rin ang dating "Aling Maliit" na si Ryzza Mae Dizon sa pagva-vlog kung saan ilan sa mga pinapalabas niya ay mga pranks, "What's in my bag," at iba pa.

24 of 71

Barbie Forteza

Pinasok na rin ng 'Pulang Araw' star na si Barbie Forteza ang mundo ng vlogging at YouTube. Madalas mapanood ang ilang makeup tutorial sa kaniyang channel, kabilang na rin ang ilang cooking at travel videos.

advertisement
25 of 71

Kim Chiu

Iba't-ibang klaseng content naman ang laman ng YouTube channel ng aktres at host na si Kim Chiu. Ilan sa mga ito ay tungkol sa travel, hacks, at cooking videos.

26 of 71

Michael V

Mayroon na ring vlog si Michael V. na may title na #BitoyStory kung saan iba't-ibang content ang kaniyang ipinapaita. Mula sa unboxing videos, toy at shoe collection, hanggang sa interview niya sa cast ng 'Avengers.'

27 of 71

Rufa Mae Quinto

Pinasok na rin ng komedyanteng si Ruffa Mae Quinto ang YouTube at vlogging at sa kaniyang unang video ay inaliw niya ang kaniyang mga manonood sa isang Waze audition video.

advertisement
28 of 71

Mikael Daez

Madalas ay travel videos nila ng misis niyang si Megan Young ang laman ng YouTube channel ng 'Running Man PH' runner na si Mikael Daez.

29 of 71

Gee Canlas

Kilala bilang si "Speedy Gee" noon, naglunsad si Gee Canlas ng panibagong YouTube channel, ang Gee TV kung saan nakakatawa at witty ang karamihan sa kaniyang mga content.

30 of 71

Bianca Umali

Naglunsad din noon ng sarili niyang YouTube channel ang 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' actress na si Bianca Umali kung saan napukaw ng matamis niyang welcome video ang mga manonood.

advertisement
31 of 71

Kylie Padilla

Naglunsad rin ang 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' actress na si Kylie Padilla ng sarili niyang vlog. Kamakailan lang ay naglunsad siya ng series sa kaniyang vlog at podcast kung saan siya nakapag-open up tungkol sa maraming bagay.

32 of 71

Maine Mendoza

Unang nakilala si Maine Mendoza sa kaniyang mga dubsmash videos. Ngayon, ang videos ng kaniyang YouTube channel ay tungkol na sa kaniyang buhay sa likod ng camera.

33 of 71

Alexa Ilacad

Pretty at girly naman ang young star na si Alexa Ilacad sa kaniyang YouTube channel kung saan karamihan ng kaniyang content ay tungkol sa makeup at song covers.

advertisement
34 of 71

Mich Liggayu

Isa ang tambalang JaMich sa mga pinakasikat noon na social media love team. Matapos pumanaw ng kapareha niyang si Jam sa sakit na cancer, ipinagpatuloy pa rin ni Mich Liggayu ang paggawa ng short films na kanilang sinimulan.

35 of 71

Angelica Jane Yap

Kilala naman si Angelica Jane Yap bilang si "Pastillas Girl" dahil sa video niya kung saan nagtuturo siyang gumawa ng pastillas habang inihahambing ang bawat step ng proseso sa panloloko.

36 of 71

Yassi Pressman

Kilala ang 'Black Rider' star na si Yassi Pressman bilang "Princess of the Dance Floor" kaya naman, ilan sa mga videos niya sa kaniyang YouTube channel ay dance choreography at tutorial.

advertisement
37 of 71

Joyce Pring

Question and answer videos naman ang content ng host na si Joyce Pring sa kaniyang 'Joyce to the World' YouTube channel. Tinatalakay rin niya ang iba't-ibang random topics sa kaniyang vlog.

38 of 71

Wil Dasovich

Kadalasan ay travel vlogs ang laman ng YouTube channel ni Wil Dasovich at noong 2022 ay naipanalo niya ang World Vlog Challenge kung saan inakyat niya, kasama ang ibang content creators, ang Mount Everest para ikuwento ang tungkol sa Himalayan glaciers.

39 of 71

Anne Curtis

Dala pa rin ni Anne Curtis ang glitz and glamour ng TV hanggang sa social media sa kaniyang vlog kung saan pinapakita nila ng asawang si Erwan Heussaff ang buhay nila sa likod ng kamera.

advertisement
40 of 71

Alodia Gosiengfiao

Binansagang "Cosplay Queen," karamihan ng mga content ni Alodia Gosiengfiao ay ang kaniyang anime transformations. Meron din siyang gaming videos sa kaniyang channel dahil certified gamer din siya.

41 of 71

Mikey Bustos

Parody naman ang kadalasan laman ng YouTube channel ni Mikey Bustos. At sa kaniyang pagsasalita ng Ingles na may Pinoy accent ay talang kinagiliwan siya ng mga manonood.

42 of 71

Julie Anne San Jose

Kadalasan ay song covers ang content ng Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose. Madalas mang solo siya sa kaniyang mga performance, nasasamahan siya paminsan-minsan ng kaniyang boyfriend na si Rayver Cruz.

advertisement
43 of 71

Donnalyn Bartolome

Isa sa mga pinaka kilalang social media personality si Donnalyn Bartolome at madalas mapanood sa kaniyang YouTube Channel ang kaniyang mga song and dance covers.

44 of 71

Ramon Bautista

Si Ramon Bautista ang isa sa mga pinaka matagumpay na social media personality na nagsimula sa YouTube at nakatawid sa mundo ng showbiz.

45 of 71

Bettina Carlos and Gummy

Ipinamalas naman nina Bettinna Carlos at ng anak niyang si Gummy ang pagmamahal nila sa baking sa kanilang YouTube channel. Nagbigay rin sila ng ilang recipes at kitchen techniques na makakatulong sa aspiring bakers.

advertisement
46 of 71

Erwan Heussaff

Travel at food videos naman ang madalas ipakita ni Erwan Heussaff sa kaniyang vlogs.

47 of 71

Juancho Trivino and Joyce Pring

Naglunsad rin ng isa pang YouTube channel si Joyce Pring kasama naman ang asawa niyang si Juancho Trivino na 'Juanchoyce.' Dito, ipinapakita nila ang kanilang buhay sa likod ng camera kasama ang kanilang dalawang anak.

48 of 71

Sam Pinto and Anthony Semerad

Sinundan naman ni Anthony Semerad ang yapak ng kaniyang kakambal at gumawa ng sarili nilang YouTube channel ng asawa na si Sam Pinto.

advertisement
49 of 71

Jerald Napoles and Kim Molina

Unang naglunsad ng kaniyang YouTube channel ang theater actor na si Jerald Napoles. Kalaunan, nagsama sa paggawa ng content sina Jerald at girlfriend na si Kim Molina.

50 of 71

Yasmien Kurdi

Meron ding YouTube channel ang aktres na si Yasmien Kurdi kung saan naglalabas siya ng song covers at content tungkol sa buhay niya bilang asawa at ina.

51 of 71

Kris Bernal

Bukod sa pagiging aktres at negosyante, sinubok na rin ni Kris Bernal ang vlogging at sinimulan ang kaniyang YouTube channel.

advertisement
52 of 71

Lauren Young

Bilang isang makeup artist, ilan sa mga video ni Lauren Young ay mga tutorials tungkol dito. Mayroon din siyang food content at isang tell-all video tungkol sa kaniyang mga problema.

53 of 71

Miguel Tanfelix

Travel videos at adventures naman ang laman ng YouTube channel ni Miguel Tanfelix.

54 of 71

Janine Gutierrez

Sinimulan naman ng aktres na si Janine Gutierrez ang kaniyang vlog noong 2018 nang i-tour niya ang kaniyang mga viewers sa kaniyang bahay.

advertisement
55 of 71

Gabbi Garcia

Taong 2017 nang umpisahan ni 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' Gabbi Garcia ang kaniyang vlog kung saan ang debut video niya ay ang cover niya ng hit song ni Amy Winehouse na 'Valerie.' Ngayon, karamihan ng kaniyang mga content ay travel videos at ilang behind-the-scenes ng kaniyang buhay.

56 of 71

Aiko Melendez

Sinimulan ni Aiko Melendez ang vlog niyang "AIKOnfess" noong August 31, 2019.

57 of 71

Maureen Wroblewitz

Tungkol naman sa araw-araw na buhay ni Maureen Wroblewitz bilang isang model at aktres ang kontent ng kaniyang vlog.

advertisement
58 of 71

Angela Alarcon

Karamihan ng content ni Angela Alarcon sa kaniyang YouTube channel ay travel, food trip adventures, at iba't-ibang experience niya.

59 of 71

Maja Salvador

Isa si Maja Salvador sa hanay ng mga celebrities na naging vlogger na rin sa pamamagitan ng kaniyang YouTube channel na "Meet Maja" na inilunsad niya noong May 25, 2019.

60 of 71

Bea Alonzo

Inilunsad aman ni 'Widow's War' actress Bea Alonzo ang kaniyang vlog na "By Bea" noong June 7, 2018. Ilan sa mga content niya ay behind-the-scenes ng kaniyang buhay, celebrity interview, at lie detector tests.

advertisement
61 of 71

Jinkee Pacquiao

Unang nag-upload ng video para sa kaniyang YouTube channel ang asawa ni Senator Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao noong October 23, 2019.

62 of 71

Jimuel Pacquiao

Bukod kay Jinkee, pinasok na rin ng anak nilang si Jimuel Pacquiao ang vlogging nang i-upload niya sa kaniyang YouTube channel ang kauna-unahan niyang video na "25 Random Facts About Me" noong December 22, 2019.

63 of 71

Kathryn Bernardo

Ipinakilala naman ng aktres na si Kathryn Bernardo ang kaniyang YouTube channel na "Everyday Kath" noong January 3, 2022.

advertisement
64 of 71

Xian Lim

Mapapanood naman sa vlog ng 'Love. Die. Repeat.' actor na si Xian Lim ang kaniyang quarantine vlog para sa nasabing serye.

65 of 71

Sophie Albert and Vin Abrenica

Bidang-bida naman ang anak ng celebrity couple na sina Sophie Albert and Vin Abrenica na si Avianna sa kanilang family vlog.

66 of 71

Kuya Kim Atienza

Puno naman ng kaalaman ang YouTube channel ni Kuya Kim Atienza. Mapapanood rin dito ang ilan sa mga motorcycle at bike rides ni Kuya Kim.

advertisement
67 of 71

Julia Barretto

Isa rin si Julia Barretto sa mga celebrities na gumawa na ng sarili nilang YouTube channel. Karamihan ng kaniyang mga vlogs ay tungkol sa travel at food.

68 of 71

Bea Binene

Tunay na bagong simula ang inilunsad ni Bea Binene na YouTube channel dahil lumabas ang unang video niya noong New Year's Day 2018.

69 of 71

Buboy Villar

Karamihan ng vlogs ng 'Running Man PH' star na si Buboy Villar ay mga pranks, collaborations, at ang buhay niya bilang ama sa dalawa niyang anak.

advertisement
70 of 71

Vilma Santos

Taong 2021 nang simulan ng seaseoned aktres at politician na si Vilma Santos ang kaniyang YouTube channel. Ayon sa aktres, interesting at exciting ito para sa kaniya.

71 of 71

Herlene Budol  

Isa sa mga pinakasikat na content creator-turned-actress ay ang 'Black Rider' star na si Herlene Budol.