Celebrity Life

WATCH: Dingdong Dantes' first interview after Baby Letizia's birth

By FELIX ILAYA and GIA ALLANA SORIANO

Last November 23 ipinanganak na ni Marian Rivera-Dantes si Baby Maria Letizia. For the first time since the baby's birth, nagpaunlak si Dingdong Dantes ng isang exclusive interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras.? Nangyari ang panayam sa isang event ng advocacy campaign ng #NowPH kasama ang Catholic Bishops of the Philippines sa Manila Polo Club kanina (November 24). 

READ: JUST IN: Marian Rivera gives birth to Baby Letizia 

Tinanong ni Nelson Canlas ang naging reaction ni Dingdong upong seeing Baby Z for the first time. Para kay Dingdong, namangha raw siya noong masaksihan niya nang first-hand ang "Miracle of life."

Aniya, "Wow! Ang talagang sabi ko sa sarili ko, naka-witness ako ng isang miracle kasi talagang nagkaroon siya ng buhay sa harap ng mata ko. I really saw her sa kaniyang paglabas and narinig ko ang kaniyang unang pag-iyak. Talagang isa sa pinaka precious na moment sa kasaysayan ng buhay ko."

Overwhelmed man si Dingdong sa pagdating ni Baby Zia, binantayan pa rin niya ang kalagayan ni Marian.

Ayon sa kaniya, "Alert [ako] 'eh kasi siyempre kinailangan ko 'ring makita 'yung kalagayan noong dalawa (Marian and Baby Letizia). So hindi ko masyado pina-overpower 'yung emotions ko doon sa situation, siyempre gusto 'kong masiguro 'nung moment na 'yon na maayos sila pareho."

Kamusta naman ang lagay ng Kapuso Primetime Queen?

"She's recovering and maganda 'yung kaniyang recovery. I'm so proud of her, kumbaga 'yung kaniyang na foresee na gusto niya maging ganito ka-dedicated na mother ay alam na alam kong kayang-kaya niyang gampanan. And right now, especially after what she went through, alam ko na mas-empowered siya to do so and andiyan ako para suportahan siya."

Ano nga bang pagbabago ang mangyayari sa buhay nilang mag-asawa ngayong nandiyan na si Baby Zia?

Wika ni Dingdong, "Well, gaya 'rin ng sinabi ko na magmula sa araw na 'yon, things will really become different already. Lalo na pagdating sa mga pananaw o kaya sa inspirasyon at sa mga gagawin ko."
 



Inamin din niya na gagamitin nilang mag-asawa ang kanilang leave from work para maging hands-on kay Baby Zia.

"Sa ngayon, nilulubos namin 'yung oras na binigay sa aming respective leaves so siyempre as much as possible, nandoon kami para sa kaniya."

Pero ang pinakahihintay na tanong ng lahat ay kung sino nga ba ang kamukha ni ni Baby Zia. 

"Alam mo nagiiba-iba every hour. Basta sabi ko more kamukha ni Marian, lalong-lalo na 'yung ilong. Ang ganda eh," ang nakangiting sabi ng proud daddy. 

Dahil sobrang excited na ng mga solid DongYan fans, hindi na makapaghintay ang iba sa full picture ni Letizia. Ang tanong, magpo-post nga ba ng mga litrato ang dalawa any time soon?

 

Aniya, “Maaari. Sa ngayon overwhelmed pa kami sa emosyon, sa saya. Doon namin fino-focus ang lahat, and kungbaga, yung pagpo-post siguro magiging resulta nalang yan nung kasiyahan. “And mas gusto muna namin ng ganun. And later on, of course. So, there will be a time na mapapa-meet namin si Maria Letizia sa kanila.”
 

LOOK: Dingdong Dantes posts Baby Zia's first photo 
MUST WATCH: Marian and Dingdong's pregnancy journey



Video courtesy of GMA News