Celebrity Life

Bagong trend na 'Z wave,' pinapauso ng DongYan fans

By AL KENDRICK NOGUERA

Pagkatapos ng Pabebe wave ng AlDub, mayroon na namang bagong trend ang nauuso ngayon at ito ay inspired sa first photo ng panganay na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

READ: Marian Rivera gives birth to Baby Maria

Ipinakita ang kamay ni Baby Zia sa kanyang unang photo na inilabas sa publiko ng kanyang amang si Dingdong. Kumalat agad ang litratong ito sa internet at agad naman naisip ng DongYan fans na tawagin itong "Z wave."

LOOK: Dingdong Dantes posts Baby Zia's first photo 

Kanya-kanyang posts sa kanilang Instagram ang fans ng Kapuso Primetime King and Queen na ginagawa ang bagong trend.
 






READ: Dingdong Dantes reveals the meaning behind his daughter's name Maria Letizia