Celebrity Life

Boobay, nagkuwento tungkol kay Marian Rivera at sa lagay nito matapos manganak

By AEDRIANNE ACAR

Napuno ng katatawanan ang Kapuso Comedy Festival blog conference na ginanap sa T.G.I Fridays sa Tomas Morato, QC ngayong hapon (November 25).

Bagong trend na 'Z wave,' pinapauso ng DongYan fans

IN PHOTOS: ‘Ismol Family’ comedian Boobay travels to Baguio


Nagkasama-sama ang mga pinakamahuhusay na mga Kapuso comedians tulad nila Rufa Mae Quinto, Paolo Contis, Kevin Santos, Boobay at Mosang, kung saan nakahalubilo nila ang mga kilalang entertainment bloggers ng bansa.

Dito, eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com ang Ismol Family star na si Boobay at nagkuwento ito tungkol sa lagay ng matalik niyang kaibigan na si Marian Rivera, matapos maipanganak si Baby Maria Letizia.

Ayon kay Boobay, maayos na ang lagay ng Kapuso Primetime Queen at nakita na din niya si Baby Z.

Saad ni Boobay, “Okay naman nung isang araw, nung nanganak na siya mga ala-singko di ba. Alas-nuwebe magkaka-chat na kami ayan. Tapos siyempre nakita ko na si Baby [Z],”

Tinanong din namin ang magaling na stand-up comedian kung sino ba ang kamukha ni Baby Z, pero sinabi nito na secret daw muna.

Kuwento pa ni Boobay, super proud daw si Marian na ngayong masasabi niya na isa na siyang mommy at hindi din daw maiwasan ni Boobay na maging emosyonal para sa kaibigan na natupad na nito ang kanyang pangarap na maging isang ina.

“Medyo matagal lang siya nag-labor, pero successful naman, talaga namang sobrang happy. Pinag-pray namin ng bongga-bongga yan, 'tsaka nung lumabas na ‘yung bata, sinabi niya sa amin na nanganak na ako, mama na ako.”

“Naiyak kami sa group chat namin talaga. 'Tsaka gusto niya ng madami [giggles] basketball team nga raw gusto niya.”