Sorpresa ni Alden Richards sa birthday party ni Kathryn Bernardo, kinakiligan ng netizens

Trending ngayon sa X (dating Twitter) ang hashtag na "KathDen" kung saan maraming netizens ang kinilig sa pa-surprise ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo sa post-birthday party nito.
Sa Instagram Stories ni Boop Yap, stylist ni Kathryn at isa sa nag-organize ng event, ipinakita nito ang video ng pagdating ni Alden sa party na may dalang bouquet ng red roses at luxury gift para kay Kathryn. Kitang-kita naman ang pagkasorpresa ni Kathryn at masayang nilapitan ang aktor.
Kilig din ang hatid ng isa pang video na ibinahagi ni Earl Semitara mula sa nasabing party kung saan makikita sina Alden at Kathryn na super close habang kinukuhanan ng larawan ng kanilang mga kaibigan.
VERY BONGGA NG ENTRANCE NI ALDEN 😭 AYAW TALAGA MAGPA TULOG NG MGA TAO NA TO #KathDen pic.twitter.com/D0LgqXBCDX
-- 🌺 (@chandrialatte) April 2, 2024
no but can we talk about how alden is holding kath???? the hand placement??? the no space gaming??? 😭🫶🏻#KathDen pic.twitter.com/Rck23cY5XC
-- Io✨ (@wildcatmorana) April 2, 2024
Tingnan ang kilig moments nina Alden at Kathryn sa party at ang ilang reaksyon dito ng netizens sa gallery na ito:









