Alden Richards surprises Kathryn Bernardo at her post-birthday celebration

GMA Logo alden richards at kathryn bernardo
Source: boopyap, earlsemitara (Instagram)

Photo Inside Page


Photos

alden richards at kathryn bernardo



Usap-usapan ngayon sa social media ang mga bagong video at larawan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na magkasama sa umano'y post-birthday party ng aktres.

Mabilis na nag-viral ang Instagram story ng fashion stylist na si Priscilla Ann “Boop” Yap-Tañedo kung saan makikitang sorpresang dumating sa nasabing private event si Alden dala-dala ang malaking buoquet of roses at isang regalo para kay Kathryn.

“Kinikilig ako #KathDen,” caption ni Boop sa kaniyang post.

Sa isa pang Instagram story na ibinahagi naman ni Earl Semitara, makikitang very close sina Alden at Kathryn kung saan makikitang nakayakap pa ang aktor sa aktres habang sila ay kinukuhanan ng larawan.

Komento ng netizens online, “Kakakilig, bagay sila.”

Matatandaan na nag-viral din kamakailan ang bonding moments nina Alden at Kathryn sa 28th birthday celebration ng aktres sa Palawan. Dito ay kumanta pa si Alden kasama si Kakai Bautista ng “Bakit Ngayon Ka Lang” na handog nila para kay Kathryn.

Unang nagkatrabaho sina Alden at Kathryn sa 2019 hit film na Hello, Love, Goodbye.

Dahil sa pagiging reunited ng dalawa, umaasa ang kanilang mga taga-hanga na magkakaroon na ng part two ang kanilang pelikula o 'di kaya'y makagawa muli sila ng bagong proyekto na magkasama.

Noong November 2023 naman nang ianunsyo ni Kathryn na hiwalay na sila ng kaniyang longtime boyfriend na si Daniel Padilla.

Ilang buwan matapos ito, sinabi ni Kathryn sa isang interview na siya ay “healed” at naka-move on na sa nasabing breakup.

Samantala, abala rin ngayon si Alden sa kaniyang mga ginagawang pelikula at teleserye gaya ng kaniyang directorial debut film kasama si Heaven Peralejo.

Puspusan din ang paghahanda ni Alden para sa upcoming Kapuso historical drama na Pulang Araw kung saan kasama niya sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Dennis Trillo.

Silipin ang iba pang larawan mula sa 28th birthday party ni Kathryn na ginanap sa Palawan dito:


Hello, Love, Goodbye
Kathryn's birthday party
Yacht party
Alden and Kathryn
Other guests
Duet
Shy type
Birthday

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit