Celebrity Life

Dingdong Dantes, nasa Paris para sa Climate Change Conference

By CHERRY SUN

Ngayong ipinanganak na ang panganay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay mas pursigido ang Kapuso Primetime King at National Youth Commission Commissioner-at-Large sa kanyang advocacy patungkol sa climate change.

READ: Dingdong Dantes, more inspired by Baby Zia to take action on climate change 

Sa isang litrato ni Dingdong sa kanyang Instagram ay ibinahagi niya na handa na ang lahat para sa gaganaping 21st Conference of Parties (COP) simula November 30 hanggang December 11 sa Paris.
 


Ibinahagi rin niya ang isang litrato na kuha sa harap ng Eiffel Tower. Aniya, “Friends who were with me from the genesis of the movement, to the delivery of its output.”

 



Ani Dingdong ay malaking araw ngayon dahil nakatakda niyang isumite ang output at outcome ng NowPH sa mga world leaders na dadalo ng Climate Vulnerable Forum, isa sa mga event ng COP.
 


Bago tumulak patungong Paris ay pinangunahan din ni Dingdong ang National Day for Youth in Climate Action noong November 25. Dito ay ginawa ang symbolic turnover ng 1.2 million pledges na nakamit sa pamamagitan ng #NowPH campaign.


LOOK: Dingdong Dantes leads celebration of National Day for Youth in Climate Action