Celebrity Life

Dingdong Dantes on fatherhood: 'Very fulfilling po talaga...sulit na sulit 'yung pag-aantay'

By CHERRY SUN

Nakapanayam ng entertainment writer at TV host na si Ricky Lo ang first time dad na si Dingdong Dantes sa episode ng CelebriTV. Dito ay nagkuwento siya tungkol sa kanilang panganay ni Marian Rivera na si Baby Maria Letizia.

 

Concern daw ang nanaig kay Dingdong habang isinisilang si Baby Z. Gayunpaman, hindi niya raw maipaliwanag ang kanyang naramdaman sa pagdating nito.

READ: When I represent my daughter, I represent the world - Dingdong Dantes at the Climate Change Conference in Paris 

Wika niya, “Never ko naman na-compare pa ‘yung ganitong pakiramdam sa kahit ano mang nangyari na any event sa buhay ko. Walang maikukumpara talaga. Kumbaga next to getting married, ito ‘yung pinakamasarap na pakiramdam.”

Sino kaya sa kanila ni Marian ang kahawig ni Baby Z?

Sagot ni Dingdong, “Mas kamukha nung nanay. Ako masaya ako na kamukha nung nanay dahil [girl si Baby Zia] tsaka syempre para sa akin isa sa pinakamaganda talaga si Marian.”

Ipinakita rin ng Kapuso Primetime King ang kanyang galing sa pagpapalit ng diaper, pagkarga ng baby at pagtimpla ng gatas.

WATCH: Ang pagiging hands-on daddy ni Dingdong Dantes

“Very fulfilling po talaga. Kumbaga sulit na sulit ‘yung pag-aantay. Hindi mo maiisip ‘yung pagod, kahit anong puyat eh talagang daraanan mo lang naman ‘yan,” bahagi niya.