Bimby Aquino to go back to the Philippines to study

GMA Logo Bimby Kris Aquino James Yap Jr

Photo Inside Page


Photos

Bimby Kris Aquino James Yap Jr



Naghahanda nang bumalik ang anak ng Queen of All Media Kris Aquino na si Bimby sa Pilipinas para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.

Matatandaan na may ilang taon na rin sa Amerika ngayon si Kris para magpagamot ng kaniyang autoimmune diseases. Kasama niya doon ang kaniyang bunsong anak na si Bimby, habang dumadalaw naman doon ang panganay na si Josh.

Sa interview niya sa blog ng entertainment reporter at talent manager na si Ogie Diaz, sinabi ni Kris na kailangan nang bumalik ni Bimby sa Pilipinas para magpa-interview sa school at mag-exam.

“Tatlong 'yung schools na pinagpipilian but he needs to go for a face-to-face and may mga exam siya to see kung ano 'yung aptitude, 'yung parang kung ano'ng level kasi posibleng pwede siyang ma-accelerate pa. I'm praying for that,” sabi niya.

Ayon kay Kris ay ayaw niyang mawalan ng teenage life ang kaniyang anak at sinabing excited na siya na ma-experience ni BImby ang pagiging isang teenager.

Pag-alala niya, “Sabi ko, 'Oo, dapat mabigyan na siya ng chance na lumabas with friends.' And 'yung mga barkada niya at 'yung mga naging kaibigan na niya, dapat may freedom na siya na pumunta ng mall.”

Isang pangako naman ang binitiwan ni Bimby sa kaniyang mom, “Pero I promise mom, I won't like, party-party.”

Ngunit ayon sa batikan TV host at actress, okey lang naman ito dahil parte iyon ng pagiging isang teenager. Ang paalala lang niya ay 'wag itong iinom dahil pareho silang may allergy sa alak.

Noong May 2023 unang pinabalik ni Kris si Bimby ng bansa para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral, at para ma-enjoy umano nito ang kaniyang pagiging 16 years old.

Pahayag noon ni Kris, “He deserves to enjoy being 16. I want him to experience what I didn't, a regular high school and college life.”

Samantala, kilalanin pa si Bimby sa gallery na ito:


Bimby
Child star
Bibo Kid
Growing
Big boy
6 foot tall
Looking mature
Supportive son
Travel and medication
Not a little
2022 vs. 2023

Around GMA

Around GMA

NBA thinking anti-tanking, considers setting lottery order March 1 — report
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties