Cheska Kramer, ibinida ang mga larawan ng kaniyang 'favorite subject' na si Scarlett

“Parang siya ata ang mas kamukha ni Catriona Gray?”
Ito ang isa sa mga naging komento ng ilang celebrities sa recent Instagram post ng celebrity mom na si Cheska Garcia-Kramer kung saan ibinida niya ang mga larawan ng kaniyang anak na si Scarlett.
Kitang-kita kasi sa mga nasabing larawan ang ganda at mas mature na awra ni Scarlett mula sa pagigingf cute baby girl noon.
“My favorite subject! My Doll,” caption pa ni Cheska sa kaniyang post.
“Ito talaga 'yung kamukha ni Catriona. Ang gandang bata,” komento pa ng isang netizen.
Bukod sa Miss Universe 2018 na si Catriona Gray, marami rin ang nagsabi na kamukha rin ni Scarlett ang dalagang aktres na si Andrea Brillantes.
“Kamuka niya si Andrea Brillantes. Pretty overload,” saad pa ng isang fan.
Si Scarlett ay ang second child nina Chesca at Doug Kramer. Ang panganay nilang anak ay si Kendra Kramer at bunso naman si Gavin Kramer.
LOOK: Is Scarlett Kramer the future Catriona Gray?















