Celebrity Life

Ano ang mga katangian ni Vic Sotto na nagustuhan ni Pauleen Luna?

By ANN CHARMAINE AQUINO

Isa sa mga pinag-usapan nina Regine Velasquez-Alcasid at Pauleen Luna sa kanyang Despedida de Soltera sa Sarap Diva ay tungkol sa kanyang groom na si Vic Sotto. Ano kaya ang kanyang ini-reveal nang tanungin siya ni Regine kung ano ang nagustuhan niya kay Bossing?


Look: 'Sarap Diva's' Despedida de Soltera for Pauleen Luna 

“Ang gustong gusto ko sa kanya, he's very easy to be with. Ang sarap nung pakiramdam na kahit magkatabi lang kayo wala kayong ginagawa, masaya kayo, kuntento kayo.” Pahayag ni Pauleen.

Dagdag ng blushing bride, gusto niya ang humor ni Vic lalo na ‘pag silang dalawa lang ang magkasama. Aniya, “He's very funny. Actually the term is he's very kengkoy. He's very kengkoy kapag kaming dalawa lang. Bumagsak na rin kasi 'yung wall fully so he lets me see the real him. Wala na siyang paki, kasi hindi ko naman siya i-judge kahit na kung anong itsura niya.”

Humble, ang isa pa umano sa mga reasons kung bakit nagustuhan ni Pauleen si Vic.

Kuwento ni Pauleen, “He's really fun and like what I always say, despite of his success he's very humble.”

Dagdag pa niya, “Not a lot of people can see that kasi they say that he's suplado. But in reality, shy siya. Parang nahihiya siya sa mga bagay bagay.”

Read: Vic Sotto talks about age gap with Pauleen Luna