Celebrity Life

Jillian Ward, naninibago sa pagsabak sa comedy sa 'Poor Señorita'

By GIA ALLANA SORIANO

Sa report ni Cata Tibayan sa 24 Oras, naikuwento ng child actress na si Jillian Ward na very happy siya at makaka-trabaho niya si Regine Velasquez sa show. Si Jillian ay gaganap bilang si Charisse sa upcoming GMA-serye na pinagbibidahan ng Asia's Songbird.

READ: Bagong show ni Regine Velasquez na 'Poor Señorita' nag-trend sa Twitter 
 



Inamin naman ni Jillian na naninibago pa siya sa pagco-comedy. Sa ngayon ay ginagamit niya ang app na Musical.ly para makapag-practice ng kanyang mga facial expressions bilang preparation sa pagsabak niya sa isang "dramedy serye."
 

 







Ika niya, “Pina-practice ko rin po para sa show, kasi po 'di ba hindi po ako madalas mag funny face. 'Yun lang po, having fun lang.”

READ: Si Mikael Daez ay si Paeng sa 'Poor Señorita'