Celebrity Life

Solenn Heussaff, kinumpirma ang kasal kay Nico Bolzico sa Mayo

By ANICA SAMODIO
 



Inakala ng marami na ikinasal na nga ang Kapuso it-girl na si Solenn Heussaff sa kanyang boyfriend na si Nico Bolzico noong Enero, ngunit false alarm lamang ito dahil kinumpirma ni Solenn sa kanyang interview kay Cata Tibayan para sa 24 Oras na sa darating na Mayo pa gaganapin ang kanilang inaabangan na kasal.

LOOK: Inakalang wedding gown ni Solenn Heussaff 

IN PHOTOS: Solenn Heussaff and Nico Bolzico tie the knot? 

Excited na si Solenn para sa kanyang traje de boda na galing Israel at lalong lalo na sa tema ng kanyang kasal sa France. Ani Solenn, magiging classic at intimate ang kanyang ‘country-style’ wedding kung saan ilan lang sa kanilang malalapit na pamilya at kaibigan ang imbitado.

Sinusuportahan din daw ng kanyang fiancé na si Nico ang kanyang sexy roles kahit na magiging mag-asawa na sila.

“Kilala niya ako and he knows that this is who I am and this is how he met me, so I won’t change talaga. Kapag buntis ako in the future [magsusuot] pa ako ng mini skirt at butas-butas [na damit].” biro ni Solenn

Kahit na busy si Solenn sa paghahanda para sa kanyang kasal hands-on pa rin siya sa kanyang bagong business venture na bagong perfume line.


Video courtesy of GMA News

MORE ON SOLENN HEUSSAFF:

READ: Solenn Heussaff overjoyed with ‘Lakbay2Loves’ A-rating 

IN PHOTOS: Solenn Heussaff performs in Europe 

READ: Sollenn Heussaff launches her fragrance line