'Lolong' star Nikko Natividad, ipinasilip ang pinapagawang beach house sa Zambales

GMA Logo Nikko Natividad
Source: nikkonatividad (IG)

Photo Inside Page


Photos

Nikko Natividad



Bukod sa taping ng GMA Prime series na 'Lolong: Bayani ng Bayan,' busy rin ang aktor na si Nikko Natividad sa ipinapagawa niyang beach house sa Zambales.

Makailang ulit na nag-update ng former It's Showtime talent sa kaniyang Instagram account sa ipinapatayo niyang property.

Sa post niya noong November 11, humirit ito na, “Sabi sa inyo totoo yung LOAN OF ATTRACTION .

“Naalala ko naliligo lang kami sa dagat ni @hashtag_zeuscollins @mykapaulinee at @_cielovesyou sa zambales. Tapos sabi namin (parang masarap magka beach house) ayun na LOAN OF ATTRACTION na namin kaya sana mabayaran na namin to.”

Napa-comment naman ang kaibigan niya na si Zeus Collins na sinabing, “KONTI NALANG!!!! Konti nalang bebenta ko na atay ko atay ko.”

Nikko Natividad and Zeus Collins

Source: nikkonatividad (IG)

Nanalo si Nikko sa It's Showtime talent competition na 'Gandang Lalaki' noong 2014. At nitong July, inanunsyo nila ng kaniyang misis na si Cielo Mae Eusebio na magkaka-baby sila.

Ikinasal ang dalawa noong October 2021 sa Club Ananda sa Nasugbu, Batangas.

Samantala, silipin ang ilang bonggang-bonggang beach hoses ng mga sikat sa gallery sa ibaba.


Camille Prats
Robin Da Roza 
Sam Pinto
Aljur Abrenica 
Joross Gamboa 
Gabby Concepcion
Christopher De Leon and Sandy Andolong 
Enrique Gil 
Dawn Zulueta 
Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos 
Carmina Villarroel and Zoren Legaspi 
Katrina Halili
Chris Tiu
Iza Calzado
Jinkee Pacquiao
John Arcilla
Glaiza De Castro
Maritoni Fernandez
Baeby Baste 

Around GMA

Around GMA

Lalaking sinisante umano dahil sa droga, tinangay ang SUV ng dating amo; nakabangga pa bago nahuli
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.