
Ipinakilala na ang mga bagong karakter na dapat abangan sa ikalawang season ng Lolong.
Nitong Biyernes (October 25), ipinakita ang mga bagong cast ng serye na Lolong: Bayani ng Bayan, na pangungunahan pa rin ni Ruru Madrid.
Kabilang sa mga pangunahing kontrabida sa serye and theater and award-winning actor na si John Arcilla, na gaganap bilang si Julio Figueroa, isang makapangyarihang negosyante na lider ng grupo ng mga kriminal.
Bagong kasama rin sa serye sina Martin Del Rosario, na tauhan ni Julio, at ang actor at modelo na si Nikko Natividad.
Kabilang din sa cast sina Nikki Valdez, Rocco Nacino, Alma Concepcion, Tetchie Agbayani, Klea Pineda, Leo Martinez, at marami pang iba.
Mapanood ang Lolong: Bayani ng Bayan sa GMA simula sa January 20, 2025.
Samantala, kilalanin ang mga artistang magiging bahagi ng cast ng Lolong: Bayani ng Bayan dito: