Celebrity Life

Alessandra de Rossi, pinarangalan sa pagiging 'magiting'

By MARAH RUIZ

Todo-bigay sa lahat ng kanyang roles si award-winning actress Alessandra de Rossi, maging sa pelikula man ito o telebisyon.

Kaya naman sunud sunod rin ang mga parangal na natatanggap ng mahusay na aktres.

Kamakailan lang, pinarangalan ng Bataan Peninsula State University si Alessandra bilang isa sa Pinakamagiting na Personalidad ng Telebisyon, partikular sa dulang antolohiya, sa ika-apat na Kagitingan Awards for Television.
 



Ito ay para sa kanyang pagganap sa isang episode ng ng drama anthology na Wagas. Bilang bahagi ng October Love Specials nito noong nakaraang taon, gumanap si Alessandra bilang Imelda, isang babaeng tila nasiraan ng bait matapos manganak.

Bukod kay Alessandra, nasungkit din ni Kapuso comedian Michael V ang Pinakamagiting na Personalidad ng Telebisyon para sa kanyang pagganap sa programang Pepito Manaloto. Si Bossing Vic Sotto naman ay pinarangalan bilang Pinakamagiting na Personalidad ng Telebisyon para naman sa kanyang paglabas sa noontime variety show na Eat Bulaga.

Nakuha rin ng GMA ang award para sa Pinakamagiting na Himpilang Pantelebisyon.

Narito pa ang ibang mga awards na nakuha ng GMA sa ika-apat na Kagitingan Awards for Television ng Bataan Peninsula State University.

Pinakamagiting na Personalidad ng Telebisyon:

Arnold Clavio for Tonight with Arnold Clavio (Talk show)
Jessica Soho for Kapuso Mo, Jessica Soho (Magazine program)
Jessica Soho for State of the Nation (News program)
Kara David for I-Witness (Documentary program)
Mike Enriquez for Imbestigador (Investigative program)
Vicky Morales for Wish Ko Lang (Public service program)


Pinakamagiting na Programang Pantelebisyon:

24 Oras (News program)
Eat Bulaga! (Variety program)
Imbestigador (Investigative program)
I-Witness (Documentary program)
Kapuso Mo, Jessica Soho (Magazine program)
Magpakailanman (Drama anthology)
Pepito Manaloto (Comedy program)
Tonight with Arnold Clavio (Talk show)
Wish Ko Lang (Public service program)

MORE ON ALESSANDRA DE ROSSI:

Alessandra de Rossi, isa sa mga hurado sa international film festival sa Milan

Alessandra de Rossi shoots music video with Marc Abaya