Celebrity Life

Anong reaksyon ni Janine Gutierrez sa planong pagpapakasal ng kanyang ina na si Lotlot de Leon?

By GIA ALLANA SORIANO

 

Inamin ni Lotlot de Leon ang kanyang balak na pagpapakasal sa show ni Marian Rivera. Aniya, “Maikli lang po ang buhay, stop the hate, ika nga. Dapat lahat tayo nagmamahalan. Pag may pagkakataon po kayo magmahal, magmahal lang po kayo ng magmaghal. Wala pong masama doon.”

Ano naman ang tingin ng kanyang panganay sa balak niyang ito?

Sa interview ng Once Again star Janine Gutierrez sa Yan Ang Morning!, nasabi ng aktres na very happy naman siya para sa nalalapit na kasal ng kanyang mama.

Ika niya, “Nung una talagang nagseselos kami. Nasanay ako na kami kami lang talagang 'yung magkakasama. Nung nagka-boyfriend si mama, syempre may bagong tao sa buhay namin, 'tsaka syempre protective rin kami sa kanya. Gusto namin siguraduhin na okay talaga ‘tong tao na ito [para] sa kanya. [Pero] nung nakilala namin siya, talagang okay pala siya. Mabait [siya, at] maalaga.”

Dagdag pa niya, “Tsaka masaya ako kasi sigurado na palaging may nagbabantay kay mama ngayon.”

MORE ON YAN ANG MORNING!:

Yan Ang Morning!: Lotlot de Leon, magpapakasal na!

Yan Ang Morning!: Fast talk with Juancho Trivino and Louise delos Reyes