Celebrity Life

Katrina Halili, balik kontrabida sa 'Sa Piling Ni Nanay'

By MICHELLE CALIGAN

Pagkatapos pahirapan ang character ni Ken Chan sa Destiny Rose, muling gaganap bilang kontrabida si Katrina Halili sa upcoming Afternoon Prime series na Sa Piling Ni Nanay. Ngayon naman ay si Yasmien Kurdi ang kanyang aapihin.

READ: EXCLUSIVE: Yasmien Kurdi, handa na sa mga sampal ni Katrina Halili

"First time ko siyang gugulpihin (laughs). Nagbabasa kasi ako ng script. Sabi ko, 'Ano ba 'to? Kawawa naman si Yasmien, puro sampal.' At hindi gumaganti," natatawang pahayag ni Katrina.

Dapat rin daw abangan ang confrontation scenes nila ng role ni Yasmien.

"Kasi andami, sobrang bigat ng story. Nung binabasa ko, parang andaming delubyo na nangyari sa kanya [Yasmien]. Tapos ako, parang impaktita lang talaga."

Hindi daw problema sa aktres na lagi siyang nalilinya sa kontrabida roles.

"Nag-eenjoy naman, sarap manampal eh (laughs). Nag-eenjoy ako kasi mas comfortable. Kasi kapag bida, ambigat eh. Mula umaga hanggang umaga iyak ka nang iyak. Masarap 'yung gigisingin ka, tapos 'Ano ang eksena?' 'Sampalin mo siya.'"

MORE ON KATRINA HALILI:

Yasmien Kurdi, Mark Herras at Katrina Halili, magsasama sa bagong GMA teleserye

Katrina Halili, napaluha habang pinag-uusapan ang kanyang anak