Toni Fowler, nagsalita sa diumano'y hidwaan nila ng kaniyang ina

Vlogger, endorser at proud mom!
Ganiyan marahil ilarawan ng mga tao ang sikat na social media personality na si Toni Fowler. Pero sa kabila ng kaniyang tinatamasa popularidad, naging bukas ito pag-usapan ang sitwasyon nila ng kaniyang ina.
Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, April 8, umamin si Toni kay Tito Boy na meron silang hindi pagkakaunawaan.
"Ang mother ko, nag-usap kami... Pagkatapos naming magusap, hindi niya ako gusto mapakinggang nang buo.
"So ang nangyari, nag-sorry ako sa kaniya, pero hanggang dun na lang ako. Ang gusto ko kasi magkaroon kami ng boundaries pagdating sa anak ko. So, sa nakikita ko, hindi, hindi niya gagawin.”
Dagdag niya, “Hindi porket kasi lola ka, puwede kang, 'Ay ito desisyon ko. Ah ito ang sasabihin ko. Hindi puwede ganun.”
Source: Fast Talk with Boy Abunda & tonifowlerpo (IG)
Binigyan-diin ni Toni na gusto muna niyang mag-focus sa pagiging ina kina Tyronia at baby boy niya na si Tyrone.
“Para sa akin kasi, kung hindi maayos ang relasyon namin bilang mag-ina, ayoko masira 'yung akin, sa anak ko. At kailangan maintindihan ng mommy ko na hindi ko kakalimutan maging anak. Pero bilang magulang na ako ngayon, ang priority ko, mas piliin maging magulang kaysa maging anak muna.” sabi ni Toni.
Diin pa niya, "Uunahin ko maging magulang. Hindi puwede makakarinig ang anak ko na hindi ka mahal ng mommy mo. Nanggagaling pa sa lola nang dahil lang sa hindi pagkakaunawaan. Yun ang hindi pupuwede.”
Sumunod na tinanong siya ni Boy Abunda kung ano ang gagayahin at hindi niya gagayahin sa kaniyang ina.
Sagot agad ng internet sensation, “Yung hindi ko gagayahin sa mommy ko siguro sa tingin ko 'yung hindi ako nakikinig sa anak ko at hindi ako nagso-sorry. Kasi ako, nagso-sorry ako sa anak ko.
“Ang gagayahin ko naman sa kaniya kung papaano 'yung sipag at tiyaga, at tatag niya para buhayin 'yung mga anak din niya financially. Kasi, ganun ang mommy ko, siya lang, single mom. Matapang ang mommy ko.”
Matatandaan na noong April 2023, nakilala ng publiko ang biological mother ni Toni Fowler na si Gemma.
Samantala, tingnan dito ang ilang celebrities na nagkaroon ng hidwaan ngunit nagkaayos din:













































