Toni Fowler gives birth to second child, Tyrone

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang bagong post ng vlogger-actress na si Toni Fowler na kilala rin ng marami bilang si Mommy Oni.
Ang naturang post sa Instagram ay tungkol sa kanyang panganganak, ngunit wala pa itong binanggit na petsa at iba pang detalye.
Makikita rito ang kanyang larawan habang nakahiga sa isang hospital bed katabi ang newborn child nila ni Vince Flores na si baby Tyrone.
Ayon kay Toni, isang bagong vlog ang ia-upload niya sa kanyang YouTube channel sa darating na Sabado, November 9.
Sulat niya, “Abangan sa Sabado, alas dose sa YouTube ko.”
Sa comments section ng kanyang post, tila nagkaroon na ng ideya ang lahat na 'Giving birth' vlog ang ilalabas ng content creator.
Kaugnay nito, bumuhos ang congratulatory messages ng netizens para sa couple vlogger na sina Toni at Vince.
Karamihan sa kanila ay sobrang excited na talagang mapanood ang mga naging kaganapan sa panganganak ng kanilang iniidolo.
Sa latest vlog ng ToRo family, ipinasilip na ang ilang clips, kung saan ipinakitang labis na nasorpresa ang pamilya ni Toni nang makita nila si BabyTyrone.
Bago pa dumating si Tyrone, kilala na si Toni bilang hands on mom sa kanyang anak kay Aaron Manalo na si Tyronia.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 9.05 million subscribers si Toni sa kanyang YouTube channel.
Samantala, silipin ang relationship timeline nina Toni Fowler at Vince Flores dito sa gallery sa ibaba:









