Mikee Quintos, 'sumakses' sa kanyang thesis: 'Finally graduating in college'

Naiyak sa tuwa ang SLAY actress na si Mikee Quintos matapos ang successful na thesis defense niya ngayong Martes, April 22.
Sa kanyang Instagram stories, ipinakita ni Mikee ang ilang moments mula sa paghahanda niya para sa kanyang thesis defense hanggang sa matanggap na ang kanyang final grade.
Matatapos na si Mikee sa kursong Architecture sa University of Santo Tomas.






