
Sinagot na ni Mikee Quintos ang kumalat na balita noon tungkol sa kaniyang thesis.
Taong 2021 nang kumalat sa social media na hindi umano tumulong si Mikee sa kanilang grupo sa paggawa ng thesis.
Sa Sarap, 'Di Ba? ay tinuldukan na ni Mikee ang issue na ito. Tanong ni Carmina kay Mikee, "Totoo ba na pasaway ka sa college at hindi ka gumawa ng thesis?"
Sagot ni Mikee, "Ito po kasi 'yung biggest misconception. People think that architecture thesis is a group work, it's not po. It's individual. So medyo po nagkaroon ng ganoong issue na hindi po ako gumagawa ng group work."
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
Pagkatapos ng paglilinaw ni Mikee sa thesis issue, inamin niya kung paano siya naapektuhan dito.
Saad ng The Write One actress, "Because of that incident din medyo naapektuhan po ang aking mental health.
Dugtong pa ni Mikee ang experience na ito ay nagbigay sa kaniya ng realization.
"Because of that experience also I realized na 'yung pag-aaral, 'yung pagpapatapos ng school, I shouldn't do it for anyone else. I should do it for myself. Now that I am doing it for myself, my grades are better."
Guest rin si Paul Salas na boyfriend ni Mikee nang mapag-usapan ito sa Sarap, 'Di Ba?
Saad ni Paul, proud siya kay Mikee dahil nakita raw niya ang dedikasyon ng aktres sa pag-aaral.
"Proud ako dito kay Mikee kasi habang nagti-taping kami may mabigat siyang eksena. After dinner, nakikipag-usap siya sa mga prof niya kung ano ang gagawin niya. Sinasabay niya talaga,” ani Paul.
"Kita ko 'yung hard work niya. Sabi ko kahit ano'ng sabihin ng iba, ituloy niya lang," dagdag pa niya.
Panoorin ang kuwento ni Mikee:
BALIKAN ANG KILIG MOMENTS NINA PAUL AT MIKEE RITO: