Bianca De Vera, nalaman na ang nangyari sa furbaby niyang si Peach

GMA Logo Celebrity Pets

Photo Inside Page


Photos

Celebrity Pets



Kaugnay ng recent post at paghingi ng dasal ng mommy ni Bianca De Vera para sa pet dog nilang si Peach, naiparating na sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate ang tungkol sa naging kalagayan nito.

Sa teaser na inilabas ng programa nitong ngayong May 8, ipinasilip ang ilang malungkot na eksena, kung saan nakausap ni Bianca ang kaniyang Mommy Aileen sa confession room ng Bahay Ni Kuya.

Dito ay inilahad ni Mommy Aileen sa kaniyang anak ang naging critical condition ni Peach at kalaunan ay inamin niya sa huli na na namaalam na ang kanilang furbaby.

“Hi Darling, it's about Peach, okay? So, you know naman 'yung seizures niya, right? Yesterday, hindi na nakayanan ni Peach,” mensahe ni Mommy Aileen kay Bianca.

Kasunod nito, hindi na napigilan ni Bianca ang kaniyang emosyon at tuluyan nang naluha dahil sa malungkot na balita.

Parte rin ng teaser ang pagbibigay ni Big Brother ng pagkakataon para makita ng Kapamilya housemate si Peach sa huling pagkakataon.

Related gallery: Adorable celebrity pets on Instagram

Samantala, si Bianca ay klilala ngayon bilang Sassy Unica Hija ng Taguig.

Siya ay isa sa mga nominado ngayon sa pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay ng mga sikat, kasabay ng kaniyang ka-duo na si Shuvee Etrata.

Isa ka ba sa fans ng ShuCa [Shuvee at Bianca]?

Voting is now open at maaari nang iligtas ang iyong paboritong celebrity duo.

Huwag palampasin ang susunod na mga pasabog na sorpresa at twists mula kay Kuya.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

Samantala, tingnan ang celebrities pets na pumanaw na rito:


Ice Seguerra and Porky
Jelai Andres's Kitty and Nekko
Coleen Garcia and Anya
DJ Mo Twister and Bamboo
Khalil Ramos and Mandy
Sanya Lopez and Jongjong 
Derek Ramsay and Skye
Heart Evangelista and Linda
Angel Locsin and Pwet Pwet
Marc Abaya and Sherlock
Michael V.
Pinky Amador
Beau
Andrea Torres and Andeng
Ryza Cenon
Lovi Poe
Jericho Rosales
Guerrero siblings
Megan Young
Carla Abellana and Wing
Carla and Patches
Nikki and Travis
Janella Salvador
Tubby
Ruffa Gutierrez
Lovi Poe
Vice and Chip
Tawki
Jak & Sanya
Sharon and KC

Around GMA

Around GMA

Mga kawatang nakasakay sa motorsiklo, mala-'fast and furious' ang pag-atake sa bus sa India
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry Finals 
How mindful living shaped Maxene Magalona's personal healing journey