Lotlot De Leon, inalala ang inang si Nora Aunor sa ika-40 days nito

GMA Logo Lotlot De Leon and family
Source: ms.lotlotdeleon/IG

Photo Inside Page


Photos

Lotlot De Leon and family



Naging madamdamin ang mensahe ng aktres na si Lotlot De Leon sa ika-40 days na pagpanaw ng kaniyang ina na si Nora Aunor. Pag-amin niya, araw-araw nilang nami-miss ang tinaguriang Superstar.

Sa Instagram, nag-post si Lotlot ng ilang litrato nila ng kaniyang pamilya na bumisita sa puntod ng ina sa Libingan ng mga Bayani sa Pasay. Sa caption ng kaniyang post, ibinahagi ng aktres na kahit 40 na araw na ang lumipas ay walang araw na hindi nila naaalala ang kaniyang ina.

Ibinahagi rin ni Lotlot ang pagpunta at pagsasagawa ng misa ni Father Eugene, na inalala umano ang yumaong National Artist, at nagkuwento tungkol sa ibig sabihin ng pag-ibig. Dito, naalala niya ang bilin sa kanila ni Matet ng kanilang ina.

“I couldn't help but remember when you told me and Matet, “Magmahalan kayong lima, ha.” Ma, hanggang ngayon, 'yang bilin mo--susundin at isasabuhay namin. Sure na sure naman 'yan,” sulat ni Lotlot.

Sabi ni Lotlot sa kaniyang post ay napakaganda ng resting place ng kanyang ina at napapalibutan pa rin ito ng mga bulaklak.

“I reached out to Ms. Rhed and asked for something special for today, and Mother J of Amante Fleurs arranged the most beautiful white roses by your gravemarker--ang ganda po, Ma,” sabi ng aktres.

BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA HULING ARAW NG BUROL NI NORA SA GALLERY NA ITO:

Inilarawan din ni Lotlot ang lagay ng panahon sa kaniyang ina, “The weather was kind--warm, but the breeze carried a gentle peace that comforted us. I know this is what you would've wanted--simple and solemn.”

Pag-amin ni Lotlot, mahirap pa rin hanggang ngayon para sa kanila na wala na ang kanilang ina. Aniya, marami pa sana siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung papaano.

Dagdag niya, “But when I think of you, and I know you're in a better place--kasama na sila Lola--somehow, I find peace. ”

Paninigurado ng aktres sa kaniyang ina,, kakayanin nila at alam nilang kaya nila dahil dala nila si Nora sa kani-kanilang mga puso.

“Love you ma, Lot,” pagtatapos niya.

Samantala, silipin ang naging pagbibigay-pugay ang mga local celebrity at personalidad kay Nora Aunor sa gallery sa ibaba.


Matet De Leon
Dingdong Dantes
Eugene Domingo
Hilda Koronel
Cherry Pie Picache
Jeric Gonzales
Winwyn Marquez
Direk Adolf Alix Jr.
Amy Castillo
Ogie Diaz
Janine Gutierrez
Jo Berry
Kyline Alcantara
Cathy Babao
Bibeth Orteza
Lovi Poe
Joel Lamangan
Sharon Cuneta
Aiai Delas Alas

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection