Celebrity Life

Maine Mendoza on her purpose as a celebrity: 'Sa mga simpleng bagay na ginagawa ko ay mayroon akong mapapaligayang mga tao'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Bago pa man i-celebrate ni Maine Mendoza ang kanyang anniversary sa 'Eat Bulaga' nitong Sabado (July 9), sari-saring tanong umano ang naglalaro sa kanyang isip.

 

Kuwento ni Maine sa kanyang Instagram account, "Isang araw lamang ang naibigay sakin para aralin lahat ng ginawa ko kanina. (Dahil sa kakulangan ng oras) Mababaliw na ata ako kahapon kakaisip ng mga gagawin ko hanggang sa susunod na linggo. Naloka ako; parang naisip ko "Kaya ko pa ba?", sabi ko pa "Bakit kailangan pang icelebrate yung anniversary ko? Di ba pwedeng simpleng bati nalang?"

Sa pagpapatuloy ni Maine, inilahad niya ang rason kung bakit kailangan niyang ipagdiwang ang araw na ito.

Aniya, "Ipinaliwanag nila sa akin kung bakit kailangang ipagdiwang itong araw na to. Naintindihan ko. Itong araw na 'to ay hindi lang para sakin; kundi para din sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa akin. Sa mga sumubaybay sa akin mula simula hanggang ngayon; sa mga patuloy na naniniwala–para sa mga hindi nawala."

Dagdag ng phenomenal star, "Itong araw na ito at ang lahat ng ginawa ko kanina ay para ho sa inyo. Isang taon na ang lumipas at nasaksihan niyo ang lahat ng pagbabago sa buhay ko–maliit man o malaki–kayo ay nakatutok."

Hindi naman nakalimot si Maine na magpasalamat sa mga taong nakasama niya sa isang taon na bumago ng kanyang buhay.

"Gusto kong magpasalamat sa lahat; sa mga sumusuporta, naniniwala, nagtitiwala at patuloy na nagmamahal. Ngayon alam ko na ang sagot sa mga katanungan ko; kung bakit nga ba ako inilagay ng Diyos dito sa kinatatayuan ko. Hindi lang pala ito basta-basta katuparan lamang ng pangarap ko.. siguro kaya din ako nandirito ay dahil alam Niya na sa mga simpleng bagay na ginagawa ko ay mayroon akong mapapaligayang mga tao."

More on Maine Mendoza: 

"Ikaw lang ang nag-iisang Maine Mendoza sa buhay ko" - Alden Richards to Maine

READ: International airing schedule ng 'Imagine You & Me: The Journey' sa GMA Pinoy TV