Celebrity Life

EXCLUSIVE: Jake Vargas, excited sa kanyang bagong show at love team sa 'Oh, My Mama!'

By MICHELLE CALIGAN

 

 

Muling mapapanood sa Afternoon Prime block ang young Kapuso actor na si Jake Vargas. Kasama siya sa cast ng upcoming teleserye na Oh, My Mama! na pagbibidahan ng bagong Kapuso na si Inah de Belen.

READ: New Kapuso Inah de Belen to star in an Afternoon Prime series 

Gaganap si Jake bilang Julio, ang isa sa dalawang lalake na mapapalapit sa character ni Inah na si Maricel. Si Jeric Gonzales naman ang isa pang magkakagusto sa dalaga.

"Masaya po, saka excited sa magiging taping namin. Excited ako sa mga kasama kong cast kasi halos lahat sila magagaling. Sina Kuya Epy [Quizon], Kuya Ryan Eigenmann. Masaya 'to panigurado," kuwento ni Jake sa isang exclusive interview with GMANetwork.com pagkatapos ng story conference ng nasabing show.

First time na nakilala ni Jake ang kanyang magiging leading lady na si Inah sa story conference.

"Okay naman siya. Mabait si Inah. Siguro hindi pa kami ganun ka-close pero sasanayin namin ang mga sarili namin sa role namin."

Bukod sa Oh, My Mama!, mapapanood pa rin si Jake bilang si Chito sa Pepito Manaloto. Kasama rin siya sa 'Oh Boy!' concert ngayong September. Handa na ba siyang maging busy?

READ: See Aljur Abrenica, Rocco Nacino, Derrick Monasterio, and Jake Vargas together in one concert 

"Handa na po ngayon. Panibagong blessings na naman kaya sobrang thank you."

MORE ON JAKE VARGAS:

Ano ang masasabi ni Jake Vargas na kamukha niya raw si Carrot Man? 

Jake Vargas, nahawa na kay Michael V sa pagpapatawa