'T.G.I.S.' stars, inalala si Red Sternberg sa kanilang ika-30 anibersaryo

Inalala ng cast ng iconic series na T.G.I.S. at kanilang direktor na si Mark Reyes ang yumao nilang kasamahan na si Red Sternberg sa ika-30 anibersaryo ng programa. Ipinalabas ang hit na youth-oriented show na T.G.I.S. sa GMA mula August 1995 hanggang November 1999.
Sa Instagram post ni Direk Mark noong September 28, ibinahagi niya ang kaniyang larawan kasama sina Angelu De Leon, Bobby Andrews, Ciara Sotto, Rica Peralejo, Bernadette Allyson, Polo Ravales, at Michael Flores matapos nilang muling magkita-kita.
Sa caption ng direktor, binanggit niya ang mga karakter ng cast ng T.G.I.S. "It's Peachy, Wacks, Bea, Mickey, Michelle, Rain and Ice at M House. Long overdue #tgis reunion. We miss you @redsternberg . #tgis30thanniv", sulat ni Direk Mark.
RELATED CONTENT: IN PHOTOS: Former 'T.G.I.S' actor Red Sternberg's beautiful family
Pumanaw si Red noong May 27, 2025 sa Amerika, kung saan siya naninirahan mula 2007, dahil sa heart attack. Siya ay 50 taong gulang.
Sa episode ng Fast Talk With Boy Abunda noong June 6, 2025, sinabi ni Michael na kasama dapat si Red sa 30th anniversary celebration ng T.G.I.S. pero sa kasamaang palad, ay hindi na ito mangyayari.
Inamin din niyang nagbabalak pa si Red umuwi ng Pilipinas para subukang mag-artista ulit.
Samantala, ayon kay Bobby, nakausap pa niya ang kanyang kaibigan isang linggo bago ito bawian ng buhay. Aniya, "It's hard to accept because I was just talking to that guy a week before so how can this happen? Ang hirap. He was working out, he was losing weight, he was very excited to come home."
RELATED CONTENT: Throwback: Showbiz friends, colleagues pay tribute to their dearest "Kiko" in this gallery:










