Celebrity Life

Heart Evangelista, natutong mag-schedule ng meetings mula sa asawa

By MARAH RUIZ

Talagang napakaraming pinagkakaabalahan ni Kapuso actress Heart Evangelista ngayon. 

Magkakaroon siya ng exhibit para sa kanyang mga handpainted bags sa September. May cookbook, perfume line, clutch bags at mga damit pa siyang nakatakdang ilabas. 

READ: Heart Evangelista to hold 'Love Marie' bag exhibit on September 3

Bakit nga ba tila pinupuno niya ang kanyang araw ng trabaho?

"I am a workaholic. Before, not so," bahagi nito sa ilang piling miyembro ng media, kasama na ang GMANetwork.com.

"Now, I feel so good being productive and developing these brands, collaborating with different people. I'm coming up with my own lines so it's very fulfilling. I like it," dagdag niya. 

Buti na lang at supportive ang kanyang asawang si Senator Chiz Escudero sa mga projects niya. 

"I have a super supportive husband. He doesn't mind that I'm hardly home. We're both busy and I guess we're a modern family. We're both very productive," paliwanag ni Heart. 

Sa katunayan, ang kanyang asawa pa raw ang nagturo sa kanya na mag-schedule ng kanyang mga meetings.

READ: Heart Evangelista, nanatiling positibo sa kabila ng pagtanggi ng mga art galleries noon

"He's the one that taught me put five meetings in one day. Before, isang meeting lang ako in a day. Siya more than 10, hindi ko na kaya yun!" aniya. 

Isa pa sa pinagkaka-busy-han ni Heart ang kanyang GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story. Abangan siya dito Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Descendants of the Sun. 

MORE ON HEART EVANGELISTA:

Heart Evangelista, ibinahagi kung paano ma-achieve ang look ni Happy sa 'Juan Happy Love Story'

Heart Evangelista reminisces first role as she celebrates 18 years in showbiz