Celebrity Life

Pres. Duterte, nag-request ng 'The Last Supper' painting kay Heart Evangelista

By BEA RODRIGUEZ

Masayang ibinahagi ni Kapuso star Heart Evangelista ang kanyang karanasan nang makilala ng personal si President Rodrigo “Digong” Duterte sa Davao noong nakaraang Linggo.

READ: Heart Evangelista, ipinasilip kay President Duterte ang kanyang paintings

Sa pag-renew ng kanyang Kapuso contract, inilarawan ng aktres ang Presidente bilang “very relaxed, very funny” at “super bait.” Tungkol raw sa kanyang mga paintings at pag-aartista ang kanilang pinag-usapan.

 

Nang makita ni President Digong ang mga obra ng versatile artist, nag-request umano siya ng painting sa kanya. “He joked about me painting ‘The Last Supper’ and ibahin ko daw ‘yung hitsura ni Judas. Sabi niya, gawin ko raw guwapo naman daw.”

Sa gitna ng kanilang pag-uusap, nagbiro raw ulit ang Presidente. “Meron pa siyang sariling version niya ng story ni [Leonardo] Da Vinci about the painting of ‘The Last Supper.’ Haba ng kinuwento niya [tapos] inimbento lang pala niya. Super cute!”

Nangako ang Kapuso actress na magbibigay siya ng kanyang artwork pero “I’m not sure if it’s going to be ‘The Last Supper’ [kasi] medyo madugo ‘yun.”

“Sabi ko sa kanya, parang na-pressure naman ako Mr. President pero I’ll definitely give him one of my paintings,” pagtatapos ni Heart.

MORE ON HEART EVANGELISTA:

Heart Evangelista thanks GMA for second shot in showbiz as she renews her Kapuso contract 

Heart Evangelista, "happy" to sign with GMA Network once more